BINUO ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño-Seguerra ang DEAR (Disaster/Emergency Assistance and Relief) Press, ang financial assistance para sa displaced freelance entertainment press workers.
“Malaki ang tulong ng showbiz media sa entertainment industry, kaya maliit na tulong lang ito sa kanila, na ang iba ay hindi na nakapagsusulat dahil natigil na rin sa pag-print ang mga diyaryong sinusulatan nila.
“Ang iba kasing diyaryo ay nag-online na lang muna.
“Rito sa DEAR Press, basta kailangan lang ninyong ipakita that you are an active member of the industry.
“May requirements tayo na you have to send us a link or copy ng mga isinulat ninyong articles for the industry, tapos press ID, at saka proof of income, at saka certificate of engagement ninyo with the news or publication kung saan kayo nagsusulat.
“Kaunting tulong lang po ito para sa inyo. It’s a PHP5,000 financial assistance na ibibigay namin sa inyo.
“Mayroon din po kami na kung nakapag-attend kayo sa kahit isang event ng FDCP. Mas madali naming ma-check sa database namin. Kasi iyun ang hinihingi sa akin ng COA,” pahayag pa ni Chairman Liza.
Rated R
ni Rommel Gonzales