Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Prima Donnas stars tumawid sa My Husband’s Lover

KAHIT stop muna sa taping ang mga programa alinsunod na rin sa ipinatupad na enhanced community quarantine ng pamahalaan, mapapanood pa rin sa telebisyon ang pinakamamahal na kontrabida tuwing hapon na si Elijah Alejo o mas kilala bilang Brianna ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Si Elijah kasi ay gumanap bilang anak ng mga karakter nina Carla Abellana (Lally) at Tom Rodriguez (Vincent) sa primetime series na My Husband’s Lover na napapanood muli ngayon sa Kapuso Network bilang pansamantalang kapalit ng Love Of My Life sa GMA Telebabad.

Sa kanyang Instagram post, pinanggigilan ng netizens ang napaka-cute na throwback picture ni Elijah kasama sina Carla at Tom na kinuhanan noong 2013 pa.

Anang netizen na si Christine Serran, “Aww baby bubot ka pa dito . Cute cute pa rin!”

Hindi lang si Briann ang Prima Donnas ang tumawid ng My Husband’s Lover dahil pati si Chanda Romero na gumaganap bilang Lady Prima ay may pa-throwback photo rin kasama sina Tom at Dennis Trillo.

Ginampanan ni Chanda ang karakter ni Sol del Mundo na nanay ni Eric (Dennis) sa series. Sa kanyang caption sinabi ni Chanda na si Dennis ay isa sa mga paborito niyang anak-anakan sa TV, “My Husband’s Lover with Tom Rodriguez and one of my favorite ‘anaks,’ Dennis Trillo.”

Pansamantala namang papalitan ang highest-rating daytime drama ng GMA na Ika-6 Na Utos ang Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …