Thursday , December 26 2024

Victor Neri, magbibida sa Karma ng Ama ng Magpakailanman

BAGO pa dumating sa mundong ibabaw ang sumpa ng COVID-19, nakausap namin si Victor Neri tungkol sa nangungunang suliranin ng mundo (bago pa nga ang COVID-19) ang illegal drugs.

“Alam naman natin na hindi maganda ang sitwasyon ng bansa tungkol sa droga, eh.

“Una, aminin muna natin, ‘di ba, let’s face it, let’s admit that the country has… we have a very, very big drug problem.

“Nakaaawa nga ang mga law enforcer kasi kung gawin nila ‘yung trabaho nila, patay sila. Kung hindi naman nila gagawin ‘yung trabaho nila, laging galit ang tao kung gawin nila ang trabaho nila.

“Eh kung hindi nila gawin?

“’Yung mga casualty, iyan lang naman ang inaalma ng mga anti eh.

“’Yung mga sinasabi ng mga tao, na tao, tao tayo lahat, may pamilya ‘yung pusher.

“Pati naman ‘yung law enforcer may pamilya rin.

“So iyon muna, siguro kaya ganyan ang reaksyon din ng karamihan kasi for the past decades, walang nangyari, eh.

“Walang ganoon eh, ‘di ba? Noon kasi ang mga drug pusher, ang dala nila, ‘pag may buy bust, pera. Kasi nasusuhulan. Eh alam nila ngayon hindi puwedeng suhulan, nagdadala na rin sila ng baril! ‘di ba?”

Ngayon ba ay wala ng suhulang nangyayari?

“Eh tandaan ninyo, mas marami pa ring mabait kaysa masama.

Samantala, pagbibidahan ni Victor ang Magpakailanman episode na Karma ng Ama sa Sabado, March 28, sa GMA. Gagampanan niya si Inggo, isang notorious na pulis.

Kinatatakutan si Inggo hindi lang sa mundo ng mga kriminal kundi maging sa kanyang sariling komunidad.

Bagama’t marami siyang pagkukulang bilang asawa, sinisikap naman niyang maging isang mabuting ama. Kung kaya’t iniidolo siya at pinangarap ng kanyang paboritong anak na si Gary na sundan ang kanyang yapak bilang isang alagad ng batas.

Ngunit nang maging isang ganap na pulis si Gary, isang malagim na trahedya ang magaganap.

May puwang kaya sa puso ni Inggo ang pagpapatawad kung ang kanyang sariling anak ang siningil ng kanyang karma?

Kasama rin dito sina Tina Paner, Kelvin Miranda, Alchris Galura, at Faye Lorenzo. Sa direksiyon ni Rechie del Carmen, mula sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Loi Argel Nova.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *