Wednesday , December 4 2024

“Bayanihan Act” huwag sanang masayang habang COVID-19 ay sinusugpo

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan to Heal as One Act, ang batas na inaasahang lulutas sa sinabing limitasyon ng kanyang kapangyarihan para tuluyang masugpo ang pandemikong salot na coronavirus 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng hiniling na ‘emergency powers’ sa Kongreso.

Salamat naman at hindi na ito nagtagal sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso kaya kahit paano ay mapapabilis na ang aksiyon ng national government sa lahat ng aspektong dapat na isulong upang tunay na labanan ang pandemikong COVID-19.

Sa pamamagitan ng Bayanihan Act, naniniwala ang Palasyo na magiging mabilis ang aksiyon at maipatutupad ang dapat bigyan ng prayoridad gaya ng pamamahagi ng medical supplies at pagdaragdag sa health budget.

Gayonman, nililimitahan nito ang kapangyarihan ng Pangulo para mag-realign ng pondo sa “Savings” ng Executive branch.

Sa nasabing batas, pinapayagan ng Pangulo ang ‘grace period’ para sa loans at rental payments.

Bukod sa palalawakin at gagawing mas komprehensibo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Nakasaad din sa batas ang pagbibigay ng P5,000 hanggang P8,000 emergency subsidy kada buwan, sa loob ng dalawang buwan, sa 18 milyong pamilya na may mababang kita.

Kailangang exempted sa import taxes ang importasyon ng personal protective equipment (PPE) at supplies na kailangan upang tugunan ang paglaban sa COVID-19.

Bawat public at private health workers na mahahawa o mamamatay sa COVID-19 ay makatatanggap ng P100,000 hanggang P1 milyon.

Kada linggo ay itinatakda sa batas na dapat mag-ulat sa Kongreso ang Pangulo kaugnay sa lahat ng kanyang ginawa bilang pagpapatupad sa batas, “including the amount and corresponding utilization of funds used, augmented, reprogrammed, reallocated, and realigned.”

Sa ilalim ng nasabing batas, walang penal powers ang Pangulo at itinakda ang mga paglabag na maaaring parusahan ng batas.

At bilang paglilinaw ang nasabing batas ay magiging epektibo sa loob lamang ng tatlong buwan… maliban kung palalawigin ng Kongreso.

Pero siyempre hindi maaaring manaig sa Saligang Batas o sa alinmang probisyon ng batas.

Mukhang espesipiko at malinaw naman ang pagkakahanay ng mga gagawin at kapangyarihan ng Pangulo sa nasabing batas.

Wish lang natin na hindi masayang ang mga super pagsisikap na ito.

Nawa’y makiisa ang lahat para magtagumpay ang buong bansa laban sa pandemikong salot na coronavirus (COVID-19).

At naniniwala tayo na mapagtatagumpayan ng buong bansa ang labang ito kung hindi natin malilimutang humingi ng awa at tulong sa Dakilang Manlilikha.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *