Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sugar Mercado, inasikaso muna ang mga anak kaya nawala sa Wowowin

APAT na buwang nawala sa Wowowin si Sugar Mercado at kababalik lamang niya kamakailan sa show ni Willie Revillame.

Kasi nag-focus ako sa kids ko, kasi medyo napabayaan… hindi naman napabayaan, pero kailangan ko lang mag-focus sa kanila kasi sa school, ganyan, inayos ko muna lahat.”

May dalawang anak si Sugar.

Seven and five years old.”

Kaya nagpaka-mommy muna siya four months ago?

Oo, mommy naman talaga pero alam mo ‘yun, may inayos lang talaga ako, may inaayos lang ako sa kids, ganyan, para settled na sila ‘pag nagwo-work ako ulit.”

Nagpaalam siya kay Willie?

Oo, nagpaalam ako sa kanya.”

Ano ang ipinaalam niya?

Mag-fo-focus muna ako sa kids.”

Mabuti at pinayagan siya.

“Mabait naman iyon, sobrang supportive niyang tao, at saka hindi lang naman ako talaga ‘yung natutulungan niya, ‘di ba?

“Marami pang tao ‘yung handa siyang tumulong, hindi lang ako, mas tinutulungan niya pa ‘yung mas nangangailangan, ako lang eh mas kilalniya, siyempre single mom ako.”

Kinaklaro ni Sugar; hindi totoong tinanggal siya sa Wowowin tulad ng iniisip ng iba.

Ay, hindi! Nagpaalam ako ng maayos sa kanya.”

Bakit matapos ang apat na buwan ay nagdesisyon siyang bumalik sa show?

Kasi siyempre kailangan ko ng work, for my kids din, naayos ko na naman lahat, at dahil mabuti ang puso ni Wil eh pinabalik na ako, lahat naman ganoon eh, kahit naman ‘yung mga ibang katrabaho niya before, pinababalik niya naman.”

Settled na ang dalawang anak niya?

Oo, ‘yung school bus, ganyan, lahat inayos ko muna iyon bago ako bumalik ulit.”

Noong nagpaalam ba siya kay Willie ay sinabi niyang apat na buwan siyang mawawala?

Hindi naman… aayusin ko muna ‘yung kids ko, tapos magtatayo ako ng maliit na business, ‘yung online, ‘yung Sugar Closet sa Instagram.”

Ano ang nabibili sa Sugar Closet?

“‘Yung pang-kids na clothes, swimsuit, branded na clothes.

“Pambata, pang-dalaga, millenials, fillenials, ganyan, lahat.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …