Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi ma-imagine na itsitsismis kay Willie; Hipon Girl, kina-iinsecure-an?

Nang nais na niyang bumalik sa Wowowin, ano ang sinabi ni Sugar kay Willie?

Sabi ko kung puwede pa akong bumalik kasi kailangan ko ring mag-work, eh si Wil naman alam naman niya na single mom ako at hindi ko naman talaga kayang mag-isa, kasi siyempre wala naman akong katuwang sa life, ever since na nahiwalay ako wala naman akong boyfriend.

“So nag-focus talaga ako sa kids ko, kaya siguro alam din niya ‘yung pagmamahal ko sa mga anak ko, kaya ganoon din niya ako tinutulungan dahil din sa mga anak ko at saka sa pamilya ko.”

Tinanggap naman siya agad ni Willie.

Oo, sobrang bait niya.”

Hindi aware si Sugar na natsitsismis siya kay Willie.

Hindi, kasi hindi ko ma-imagine na natsi-tsismis sa kanya, kasi para kong tatay iyon, para siyang tatay sa lahat, kuya siya ng lahat.

“So ma-o-open mo sa kanya lahat at saka sobrang bait niya, ako kahit anong mangyari sa future or what, ipagdarasal ko siya lagi, araw-araw, na humaba pa ‘yung buhay niya dahil sobrang ang dami pa niyang matutulungan na taong salat sa buhay at gusto ng pag-asa.”

Ipinagdarasal din ba ni Sugar magka-lovelife na si Willie?

“Oo naman!”

Mayroon na ba?

“Pagpe-pray natin ‘yan, siguro in time, may mga nakikilala…nami-meet naman siya siguro, hindi ko naman alam eh, pero ako ang alam ko lang talaga sa kanya as a boss, as a kaibigan, is focused siya sa mga taong gusto niyang tulungan.”

Ayaw muna ni Willie ng lovelife?

“Siguro, pero kung darating sa kanya… alam mo wish naman nating lahat sa kanya, dahil sobrang buti ng puso niya, eh may isang taong magmamahal sa kanya ng totoo at mag-aalaga sa kanya in the future, iyon lang ‘yung prayer ko sa kanya, at sana tayo ring lahat.”

Ang mensahe ni Sugar sa mga nagli-link sa kanila ni Willie…

Ha! ha! ha! Nakakatawa, iyon po!

“Hindi… ihinto ninyo na iyan kasi hindi talaga totoo. Mahal nating lahat si Kuya Wil kaya ipag-pray natin na tumagal pa ‘yung show niya at ‘yung buhay niya.”

***

Hipon Girl, kina-iinsecure-an?

Totoo bang may issue ng insecurity sa kanila ni Hipon Girl?

“Ay, wala! We’re so close!”

Chika sila?

Oo, noh!”

Younger sister ang turing niya kay Hipon Girl (na ang tunay na pangalan ay Herlene Budol) na isa rin sa mga female co-hosts ng Wowowin.

Oo pero mukha siyang matanda sa akin. Ha! ha! ha! Sinasabi naman niya iyon kasi matangkad siya.

“Pero sobrang close kami, mahal ko ‘yun, at alam ninyo naman po dumating na tayo riyan, napagdaanan natin iyan, kung sino ‘yung umaangat, sino ‘yung bongga ngayon, suportahan tayo riyan, kasi mas masarap ‘yung nakikita natin ‘yung tao na tumataas.

“Ako ganoon lang ako, basta may work masaya ako, suporta ako sa mga taong sumisikat, nag-iiba ‘yung takbo ng buhay, nagbabago ‘yung buhay kasi naranasan ko iyon, pinagdaanan ko iyon.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …