NAGING emosyonal si Kyline Alcantara nang napag-usapan namin ang kanyang pagiging isang ganap na adult dahil 18 na siya sa September 3.
Sa tanong kasi kung hihingi na ba siya ng freedom mula sa kanyang mga magulang, tulad ng paninirahang mag-isa sa isang condo unit, sinabi ni Kyline na hindi iyon mangyayari.
“Ngayon-ngayon ko pa lang po kasi nakakasama ‘yung pamilya ko, so ayoko naman pong..”
Dahil?
“Kasi na-separate po ‘yung family…kaming lahat sa isa’t isa.”
Naghiwalay at nagkabalikan ang mga magulang ni Kyline.
“Yes, so roon po ako naniniwala na anyone can change naman pala.”
Kailan sila nagkabalikan ulit?
“Noong four, five years ago, hindi ko po sure.”
Gaano sila katagal na hiwalay?
“More than ten years.”
Ipinagdasal ni Kyline na magkabalikan ang parents niya.
“Yes I prayed for that, I prayed for of course the happiness of my mom, and siyempre nakita ko naman po sa kanya noon na hindi pa sila nagkita ulit ni Papa, eh nakita ko naman po sa kanya na nangangailangan siya ng tulong, ng isang father figure, kung paano kami palakihin.
“So sobrang saya ko po noong nagkabalikan sila, pero siyempre…nakita ninyo naman po roon sa ‘Magpakailanman‘ ko na nagkaroon po kami ng siyempre ilangan ni Papa, kasi na-mindset ko po sa akin na, ‘We can live without you’, something like that, and that’s not good.
“Kumbaga kung time na ganoon po ‘yung mindset ko, walang blessings na dumarating sa akin, noong time na hindi ko pa napapatawad ‘yung tatay ko, walang blessings na dumarating sa akin.
“And noong time na nag-sorry ako sa kanya, at nag-sorry siya at nagkapaliwanagan kami sa mga bagay-bagay, kung bakit niya nagawa iyon, ganyan-ganyan, doon na po dumagsa ‘yung blessings.”
Sa 10 taon, wala ba silang anumang komunikasyon ng ama niya?
“Mayroon naman po, pero call, of course sa isang bata na naghahanap din ng father figure, that’s not enough.
“Minsan nagpapadala siya ng pera pambili ng regalo, so hindi naman po enough iyon, and siyempre both of my brothers hindi ko po sila nakasama for a long time rin.”
Sa ama ba niya sumama ang mga kapatid niya?
“‘Yung second brother ko po sa father ko sumama, ‘yung first brother ko nasa grandparents ko sa Bicol and ako po rito sa Manila.”
Ngayon ay sama-sama na sila!
“Yes po.”
Sinong nag-initiate ng balikan?
“With my parents ko po hindi ko po alam, kasi siguro po may personal po silang usapan, pero hindi ko po sure, pero si Mama po siguro talaga ‘yung…”
Nalaman na lang bigla ni Kyline na nagkabalikan sila?
“Nahalata ko naman po sa kanila, even though hindi ko naman po napansin or hindi naman po nila sinabi sa akin, parang nahahalata ko, ‘Uy parang nagiging sweet ‘yung dalawa.’”
Natural na ikinatuwa iyon ni Kyline.
“Opo! Iba po sa pakiramdam ‘yung mabuo ulit ‘yung pamilya!
“Akala ko kasi enough na sa akin na Mama ko lang, ako lang, mga kuya ko lang, mga kaibigan ko lang, akala ko enough na ‘yung pagmamahal na natatanggap ko, pero iba pa rin po pala na may father figure ka na andyan para protektahan ka, gabayan ka, turuan ka ng iba’t ibang bagay.”
Ang ama ni Kyline ang last dance niya sa debut party sa September.
“Yes.”
Siguradong iiyak silang pareho habang nagsasayaw.
“For sure po, ayoko munang…”
Nagkaroon ng ibang karelasyon ang ama niya sa 10 taong hiwalay ang mga magulang ni Kyline pero hindi naman ito nagkaanak sa iba.
“Wala po siyang anak sa iba, pero kung mayroon man po wala naman pong problem.”
Pero wala nga?
“As far as I know, wala po siyang anak sa iba, pero kung mayroon man po, why not, the more the merrier, pero the nice thing about it nakilala ko rin po ‘yung…si Tita Marissa, nakilala ko po ‘yung ex ni Papa.
“Ipinakilala po kasi siya sa akin ni Mama na tita mo siya, ganyan, ‘You need to respect her’, so kung siya nga po hindi siya nasaktan, bakit ako masasaktan?”
Pero hiwalay na sila.
“Opo, sila na po ulit ni Mama.”
Magkaibigan ba ang ama niya at ang dati nitong karelasyon?
“Hindi ko po alam, wala po akong idea.”
Hindi nagdalawang-isip si Kyline na tanggapin ulit ang ama niya noong napapansin niya na tila nagiging malapit muli sa isa’t isa ang parents niya?
“Nagdalawang-isip ako, kasi ‘yun nga ‘yung na-mindset sa akin…personally ha, hindi ito na-mindset ni Mama, parang naisip ko lang na parang, ‘Kaya naman naming mabuhay ng wala ka, bakit ka pa babalik? ‘Di ba nawala ka?’
“‘Yung mga typical na parang pang-teleserye po, and iyon nga po, dahil po roon walang dumarating sa akin na blessings, nasa showbiz na ako noon, walang project na dumarating sa akin, and then noong time po talaga na napatawad na namin ang isa’t isa, natanggap na namin lahat ng flaws and everything.”
Gumaan ang kanyang mundo.
“Yes! Sobra po, sobrang…”
Bigla siyang naging “Breakout Star” ng GMA.
“Hahaha! Wow!”
Totoo iyon, ‘pag mabuti ang isang tao sa mga magulang, pinagpapala.
“Opo.”
Isa sa mga blessing ni Kyline ay ang maging isa sa tatlong bidang babae (bilang si Maggie dela Cruz) sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit ng GMA.
Kahanay ni Kyline sa naturang serye sina Ms. Nora Aunor (bilang Mercedes “Cedes” dela Cruz) at Mylene Dizon (bilang Magnolia “Nolie” dela Cruz) .
Rated R
ni Rommel Gonzales