TINANONG namin si Yasser Marta kung sino ang crush niya o pinagpapantasyahan sa showbiz.
“Pinapagpantasyahan? Siguro… ako ang focus ko talaga ngayon na kay Kyline eh, parang ‘pag nakakakita ako ng iba, kahit maganda, parang hindi ako na-a-attract and sobrang into the characters kami ngayon, kaya ako wala akong ibang gusto kundi si Maggie.”
Gumaganap si Kyline Alcantara sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit bilang si Maggie, si Yassser naman ay bilang si Jun sa drama series ng GMA.
Puwedeng main-love si Yasser kay Kyline sa tunay na buhay?
“Wala namang imposible, let’s see talaga kung anong mangyayari. Ayokong…gusto ko dahan-dahanin, iyon ang mahalaga, napakabata pa ni Kyline.”
Ano ang pinakagusto niya physically kay Kyline?
“’Yung buong face niya, sobrang alam mo ‘yun, parang symmetrical na tamang-tama.
“’Yung mata…grabe ‘yung emotions ng mata niya. Minsan sa set hirap akong humugot, bumabalik lang ako sa basic na nakikinig lang ako sa kanya, and eventually nararamdaman ko na napakagaling.”
Sa ugali ni Kyline ano ang gusto niya?
“Iyon nga, napaka-jolly niya, sobra ‘yung energy niya.”
Seryosong tao si Yasser, opposite sila ni Kyline?
“Hindi naman, ako gusto ko lang din… masaya akong tao eh, masayahin din akong tao, madali akong pakisamahan.”
Rated R
ni Rommel Gonzales