Monday , December 23 2024

Sa enhanced community quarantine… AFP/PNP, health workers frontliners vs CoViD-19 (Tao sa bahay; BPO/IT, ports tuloy sa operasyon)

EVERYONE must stay at home.

Ito ang direktiba ng Palasyo sa lahat ng mamamayan sa buong Luzon alinusunod sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad ng gobyerno para labanan ang COVID-19.

Inatasan ng Palasyo ang mga punong barangay ang mahigpit na pagpapatupad na isang tao lang ang puwedeng lumabas sa bawat bahay upang bumili ng mga batayang pangangai­langan ng kanilang pamilya.

Maliban sa one person per household, pinapaya­gan ang: – Employees of establishments involved in the production, pro­cessing, and distribution of basic necessities such as food (supermarkets, groceries, convenience stores, wet markets), pharmacies/drug stores, and banks or remittance centers – PNP, AFP, and other uniformed per­sonnel – Personnel in­volved in health work, border control, emergency and other mission-critical services – Media with authorization from PCOO.

Giit ni Nograles, ang lahat ng “vulnerable individuals such as (1) senior citizens (60 years old and above); (2) those with pre-existing medical condition like cardio­vascular disease, hyper­tension, diabetes, COPD, cancer and others; and (3) pregnant women  ay hindi maaaring lumabas sa kanilang bahay habang umiiral ang ECQ.

Lahat aniya ng basic utilities ay dapat mag­patuloy sa kanilang ope­rasyon, gaya ng “water, electricity, internet, and telecommunications.”

“Other critical services should remain open, including garbage collection, funeral and interment services, and gasoline stations.”

Pinapayagan din aniya ang operasyon ng Business Process Outsourcing (BPO/IT) and export-oriented esta­blishments kung magla­laan sila ng temporary housing para sa kanilang mga empleyado.

Sarado ang Casinos at POGOs, tigil din ang lotto at iba pang laro ng PCSO at ang mga hotel ay hindi puwedeng tumanggap ng bagong bookings.

Ipinagbabawal ang operasyon ng lahat ng public transportation gaya ng “tricycles, pedicabs, taxis/Grab, jeepneys, buses, including MRT/LRT.”

“To address the suspension of mass public transportation,” ani Nograles, “LGUs and employers should provide point-to-point transportation for people authorized to report for work, specifically health workers.”

Dagdag niya, “Transportation from the airport may be provided by the DOTr or OWWA for OFWs, while walking or biking would be allowed.”

Giit ni Nograles, “movement of cargo via air, land and sea would remain unhampered during the ECQ and that cargo trucks and vans should not be blocked from entering the ports, expressways or highways.”

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *