SA nagaganap na pandemic at krisis ngayon sa buong mundo bunga ng COVID-19, may mensahe si Aiko Melendez para sa mga mema, mga walang magawa kundi mamintas at magreklamo laban sa mga hakbang at desisyon ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na tungkol sa enhanced community quarantine,
Aniya, ”Stop the rant! Just stay home for your own sake! Tama na muna ang pulitika . “Dios mio! May ganito na nga, naiisip nyo pang maging commentator?!
“Bottom line is just stay home. Lahat naman tayo apektado dito, eh. Huwag nyo isipin na kayo lang. Kami din…”
May mensahe rin si Aiko para sa mga mapagsamantala at manggagamit.
“Nakakaloka ‘yung ibang nakaupo, ano? Hindi pa nga tapos ang termino n’yo election na sa 2022 ang iniisip n’yo? Uy! Me crisis pa now eto muna atupagin nyo. “Hindi yang inggit…”
Rated R
ni Rommel Gonzales