Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TV

Publiko, tutok ngayon sa telebisyon

DAHIL iwas muna ang mga tao na lumabas at pumunta sa matataong lugar dahil sa COVID-19 at sa community quarantine sa maraming lugar, halos karamihan ng mga tao ay nasa loob ng bahay at kundi nag-i-internet ay nanonood ng telebisyon.

Kaya tiyak na mas lalong tataas ang ratings ng mga programa sa TV, lalo na ang mga news programs para abangan ang mga latest updates na mga balita.

Aalagwa rin ang ratings ng mga teleserye dahil wala munang gustong manood ng sine sa takot na magkasakit.

Siyempre, highly-recommended namin ang dalawa sa nangungunang drama series ngayon, ang Magkaagaw na pinagbibidahan nina Sheryl Cruz, Jeric Gonzales, Klea Pineda, at Sunshine Dizon na napapanood sa GMA Afternoon Prime.

Ang isa pa ay ang Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday na pinagbibidahan naman nina Barbie Forteza, Migo Adecer, at Kate Valdez at nina Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Siyempre pa, bukod sa ikinatutuwa namin ang mas lalong tumataas na ratings ng mga TV shows ngayon, mas ikatutuwa namin na sana ay matapos na ang sumpa ng COVID-19 at manumbalik ang kalusugan at kaligtasan ng buong mundo, lalo na ng sambayanang Filipino.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …