Friday , November 15 2024

Pila sa checkpoint? Magdasal kaysa magalit

TANONG ko sa aking sarili, ano ba ang dapat na isulat o maging paksa para sa araw na ito. Ang batikusin ang pamahalaan sa mabilis na paglobo ng bilang ng infected ng COVID 19? Ang kulang na paghahanda ng pamahalaan simula nang pumutok ang balita hinggilsa virus? At maraming iba.

Huwag na, kasi po nandiyan na ‘yan at sa halip, magkaisa na lang tayong lahat para maiwasang tamaan ng COVID 19. Hindi biro ang virus na ito mga kababayan.

Kapansin-pansin nang isailalim sa “community quarantine” ang National Capital Region (NCR) lalong kumalat ang virus sa bansa. Nag-panic na naglabasan ang mga nasa Metro Manila sa takot na masarahan at mahawaan.

Anong nangyari? Nasama sa nagsilabasan sa NCR ang mga subject for tracing ng Department of Health (DOH) na nakasalamuha ng mga infected or persons under investigation (PUIs). So, what do you expect?  Nagkaroon na tuloy sa ilang lalawigan ng infected. Gets n’yo ba ang point ko?

Wala naman kasing ginawang safety precautions ang pamunuan ng iba’t ibang  bus company sa NCR para hindi makasakay o makalabas ng Metro Manila ang suspected carrier.

But anyway, tulad ng sinabi ko, nandiyan na iyan mga kababayan…kumalat na. So what to do ngayon since wala pang gamot o vaccine? Siyempre, unang hakbangin ay “to devote yourselves to prayer,  keeping alert in it with an attitude of thanksgiving” (Colocians 4:6).

Opo mga kababayan, natatanging pag-asa natin laban sa COVID 19 ang Panginoong Diyos. Let’s confessed everything to Him dahil talagang malaki ang pagkukulang natin sa Kanya…at TRUST Him.

Let’s claim to God, in Jesus name to be in control of everything and to end up this trials  that we are facing now – hindi lamang ang ating bansa kung hindi halos buong mundo na.

Yes Lord forgive us sa aming pagkukulang sa inyo. Have mercy on us.

Ngayon, masusubok ang lahat sa ipinaiiral ng pamahalaan sa NCR. Checkpoint sa bawat lagusan ng MM. Ang checkpoint ay hindi para takutin ng pamahalaan ang lahat kung hindi ito ay para sa atin lahat. Isa sa paraan para makontrol ang patuloy na paglobo ng bilang ng infected.

Masusubok ang lahat kung gaano makiisa sa pamahalaan para sa kapakanan ng marami. Oo nga’t talagang maaantala ang lahat sa pagpasok sa trabaho pero, no choice tayo. Makiisa tayo, dahil ang lahat naman ay para sa ating lahat lamang.

Katunayan, noong unang araw nang inimplementa ang checkpoint – umabot ako nang mahigit isang oras bago makalagpas sa checkpoint. Mabuti na lamang at maaga-aga. Kaya kaysa magalit, mainis o ano pa man habang nasa pila, manalangin po tayo. Gamitin ang oras sa panalangin kaysa magalit at magkasala sa pila.

Lord God, have mercy on us.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *