HABANG umiigting ang mga kaganapan sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, lalong lumalabas ang husay sa pag-arte ni Barbie Forteza.
May dating rin ang kanyang karibal sa seryeng si Kate Valdez in the role of Caitlyn but Barbie is admittedly more seasoned.
Bongga ang kanyang reaction shots, pati na ang kanyang quiet moments.
Ang surprise performance ay ibinigay ng very fresh and handsome na si Migo Adecer in the role of Cocoy.
Kahit paano, nakasasabay siya kay Barbie at napakaganda ng kanilang tandem, unlike roon sa kabila na parang tumutula.
Parang tumutula raw talaga, o! Hahahahahahahaha!
Ayokoooooooh! Harharharharhar!
Kaya if you are looking for sensible acting, dito na kayo sa Anak Ni Waray vs. Anak ni Biday na kasama rin ang napakagandang si Snooky Serna at ang very classy beauty ni Dina Bonnevie, not to mention the provocative acting of Ms. Celia Rodriguez.
‘Yun nah!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.