‘I always remind my children na dobleng-ingat, actually, hindi lang doble kundi todong pag-iingat, lalo na sa health, sa hygiene, para makaiwas,” umpisang pahayag ni Lotlot de Leon tungkol sa banta ng COVID-19 sa buong mundo.
Apat ang mga anak ni Lotlot sa dating mister na si Ramon Christopher, sina Janine, Jessica, Diego, at Maxine Gutierrez.
Bilang isang ina, nangangamba rin si Lotlot tulad ng halos lahat ng tao sa buong mundo, sa dulot ng Covid-19.
“Sabi ko sa kanila, lagi kong paalala, proper hygiene talaga, wash your hands, be sure na… kung hindi naman kailangang lumabas, stay home ‘di ba? Kung hindi naman importate sa bahay lang.
“And like si Max, especially, she’s graduating, hindi muna matutuloy.”
Ga-graduate sa elementarya si Maxine (bunsong anak ni Lotlot) sa April 3 sana pero dahil sa community quarantine sa buong Metro Manila ay wala ng pasok at graduation ceremonies.
Speaking of her kids, ang unico hijo niyang si Diego ang bagong talent ng LVD Management and Consultancy Services ni Leo Dominguez; iisa na ang manager ngayon nina Lotlot, Diego, at Janine.
Kaya todong pag-iingat ang mungkahi ni Lotlot para sa lahat.
May mungkahi rin si Lotlot para sa mga street children.
“Kasi kawawa sila, eh. Sana lang kunin muna sila ng DSWD, tapos put them in a shelter. To protect them also, kasi sila, wala naman silang kakayahang bumili ng gamot.”
Rated R
ni Rommel Gonzales