Monday , December 23 2024

Sa 30-araw ‘lockdown’… Walang namamatay sa gutom — Panelo

“WALANG namamatay sa gutom. Ang isang buwan (pagkagutom) ay hindi pa nakamamatay.”

Ito ang buwelta ng Palasyo sa mga batikos laban sa ipinatutupad na isang-buwang lockdown sa National Capital Region (NCR) dahil posi­bleng mamamatay sa gutom ang masa at hindi sa kinatatakutang corona­virus disease (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi totoo na may namamatay sa gutom sa loob ng isang buwan.

May ginagawa na rin aniyang hakbang ang pamahalaan para matu­gunan ang pangangai­langan ng mga mangga­gawa na maaaring ma­apektohan ang trabaho o hanapbuhay dahil sa community quarantine.

Nakaantabay na umano ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 300,000 food pack na handang ipamahagi sa mga magugutom o maa­a­pektohan ng community quarantine.

Pero hindi kusang ipamamahagi ng DSWD ang ayudang pagkain sa mga pamayanan. Kaila­ngan umanong may makaabot sa kanilang reklamo o hinaing bago nila ipamudmod ang food packs.

“Ang DSW… kapag nakarinig… siyempre may magrereklamo. Maka­aabot iyan. Kayo kapag nakadinig kayo. Ano ba ang ginagawa ninyo? Siyempre ipaparating n’yo kaagad. By word of mouth. makakarating sa atin iyan,” ani Panelo.

Kaugnay nito, tiniyak nina Panelo at Depart­ment of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña na may sapat na pondo ang pamahalaan para sa produksiyon ng COVID-19 test kits.

“We wish to assure our countrymen that the Office of the President is providing  the needed funds of the DOH, DOST and UP Manila’s National Institutes of Health in the production of the diagnostic kits for the COVID 19 tests,” ayon sa kanilang joint statement.

Nakahanda anila ang Manila Healthtek para sa malakihang produksyon upang makatugon sa kasalukuyang krisis.

Samantala, ikinagalak ng Palasyo na negatibo ang resulta ng Covid-19 test nina Executive Secretary Salvador Medial­dea, Finance Secretary Carlos Domi­nguez, Transpor­tation Secretary Arthur Tugade, at Public Works Secretary Mark Villar.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *