Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Dick, sa pelikula naman magpapatawa

NAKATSIKA naming ng mahaba si Kuya Dick (Roderick Paulate) sa isang bertdey party.

Hanggang ngayon nga, mayroon pa rin itong sepanx sa natapos ng serye niya sa GMA-7 na One of the Baes.

“I didn’t realize na ang dami ko pa rin palang followers, Larpi. Kasi sila ‘yung react nang matapos na ito. Hindi sa anupaman, inaabangan daw nila lagi ‘yung mga eksena ko gabi-gabi. Kaya ‘pag ‘di ako lumabas sa eksena desmayado sila.”

Wala pa namang sisimulang kasunod na serye si Kuya Dick.

Pero sa pelikula ay may in-oo-han na siya.

“That will be under Rex Tiri’s production, sa T-Rex. Shoot na kami anytime. Pero dahil sa nangyayari, baka ma-move or depende na lang kung ma-decide na pumunta in a secluded place. 

“I accepted the project kasi, cliche as it sounds, naiiba at matutuwa na naman ang mga tao when they see me do this. Hindi ko pa nga lang pwedeng idetalye. ‘Pag medyo nakausad-usad na.”

When it comes to gay roles, next to the King of Comedy na si Tito Dolphy, si Kuya Dick kasi ‘yung hands-down, laugh to the max na walang puknat, lalo na sa mga katauhang ini-essay niya as gay. In comedy, ha! Lahat talaga tumatak!

Kaya, wait and see natin, what this project is all about!

(Pilar Mateo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …