Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez Marthena Jickain Andrei Yllana Jay Khonghun
Aiko Melendez Marthena Jickain Andrei Yllana Jay Khonghun

Aiko Melendez, dinala muna ang pamilya sa Zambales (wala kasing Covid-19 doon)

STOP taping na kami muna,” ang umpisang mensahe sa amin ni Aiko Melendez sa pamamagitan ng Facebook messaging.

Isa si Aiko sa mga cast member ng Prima Donnas, top-rating program ng GMA at dahil nga sa community quarantine sa buong Metro Manila (nagsimula nitong March 15) bunga ng COVID-19, isang salot na kumakalat sa buong mundo ay inihinto muna ang taping nina Aiko at pati ang ibang serye ng GMA.

Tanong namin kay Aiko, hanggang kailan sila hindi magte-taping?

“Until ma-lift ‘yung community quarantine.”

Nitong Miyerkiles, March 11, sila huling nag-taping para sa Prima Donnas.

Tinanong namin si Aiko kung ano ang precautions nila sa pandemic na ito?

“Pinauwi kami ni VG sa Zambales buong family ko.”

Si VG ay si Zambales Vice-Governor Jhay Khong­hun  na kasin­tahan ni Aiko. Ang pa­milya ni Aiko ay nasa Zambales ngayon pati ang ina niyang si Mommy Elsie, ang kapatid ni Aiko na si Angelo at mga anak na sina Andre at Marthena.

“And lahat ng bags namin may alcohol and masks. Nag-grocery na kami, ‘yung mga kailangan talaga.

“Mayroon din kaming scanner for temperature in case any of us will have any symp­toms.

“Ka­si sa Zambales walang COVID-19.”

Kuwento pa ng aktres, ”Dapat aalis sina Marthena and mom ko for the US this March. Wala, hold ko muna. May tickets na nga sila, eh.”

Huwebes pa ng umaga ay nasa Zambales na sina Aiko.

Bilang bahagi ng industriya, ano sa tingin ni Aiko ang epekto ng COVID-19 scare sa showbiz?

“Medyo malaki ang epekto kasi mawawalan ng work ang karamihan pansamantala. Nakakaawa ang mga crew people, ‘yung mga maliliit na manggagawa sa showbiz kasi sila ang mas higit nangangailangan ng work.”

Ang mensahe ni Aiko sa publiko, ”Ang test of faith natin huwag bibitaw kasi mas need natin magdasal!

“And we as Filipinos dapat tayong magtulungan and abide sa regulations. 

“Pray instead of bashing. This too shall pass and ang resilience ng mga Pinoy hindi matatawaran kaya malalagpasan din natin ang crisis na ito basta kapit lang sa Diyos.

“And pinaka-important is not to panic.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …