Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, happy para kina Arjo at Maine!

IPINAHAYAG ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez na masaya siya para sa anak na si Arjo Atayde at sa GF nitong si Maine Mendoza. Sumuporta siya sa dalawa dahil mahalaga sa kanya ang kaligayahan nila.

Pahayag ng Kapamilya aktres, “Oo naman, sumusuporta ako sa kanila at isa pa, mabait si Maine… mabait si Arjo, gusto nila ang isa’t isa.”

Saad ni Ms. Sylvia, “Masaya kami dahil kasundo ng buong pamilya si Maine, and si Arjo, kasundo rin ng buong pamilya ni Maine. So, masaya kami and basta ako, happy ako for Maine and Arjo. Kung saan maligaya sina Maine at Arjo, roon ako.

“Basta kami, maligaya ako na nakikita ko sina Maine at Arjo na maligaya, iyon ang pinaka-importante sa akin bilang magulang. Ang mahalaga sa akin, iyon ang hinahabol ko, ang kaligayahan nina Arjo at Maine. Iyon ang importante talaga sa akin.”

Kasalan na ang pinag-uusapan sa relasyong Arjo at Maine, ano ang reaction niya rito? “Wala akong problema roon, I mean, ayaw kong makialam doon, silang dalawa iyon, bahala silang dalawa roon,” pakli ng aktres na napa­panood ngayon sa top rating teleseryeng Pamilya Ko.

Ready na ba siya kapag nag­sabi si Arjo na magpapakasal na sila ni Maine? “Ready na ba ako? Oo naman, ready na ako. Basta ang sa akin, dapat kapag pumasok sina Arjo at Maine sa ganyang sitwasyon, dapat ay ready na sila. Kasi ako bilang nanay, suporta lang ako sa likod,” sambit pa niya.

Samantala, isa si Ms. Sylvia sa BeauteDerm ambassadors na lalong nagpaning­ning sa opening ng branch nito sa Star Mall EDSA last Feb. 29. Kasama niya rito sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Carlo Aquino, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Ken Chan, at Korina Sanchez na siyang may-ari ng naturang store. Ito na ang second BeauteDerm store ni Ms. Korina na naunang nagkaroon ng Beaute Forever by Beautederm na matatagpuan sa Gateway Mall sa Araneta City, QC.

Nagpasalamat si Ms. Korina sa BeauteDerm lady boss na si Ms. Rhea Tan at mga ambassador sa naturang event. “Thank you very much Ms. Rei Tan, I’m very-very proud to be part of the BeauteDerm family. Maraming salamat sa inyong pagmamahal sa lahat ng ambassadors at sa mga may-ari ng mga tindahan ng BeauteDerm.

“Thank you very much to all the superstars in my universe, maraming salamat. Bumaba ang mga tala mula sa langit, thank you very much, I know you are very busy. Nandito po silang lahat dahil lahat kami ay naniniwala na ang BeauteDerm ay the best,” saad ni Ms. Korina.

Pahabol niya sa crowd na gustong magpa-selfie sa kanila at nakapila na para bumili ng BeauteDerm products, “Handa na ba kayo? Handa ba kayong gumanda? O, dito kayo bibili ha, sa Star Mall EDSA.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …