Sobrang daring raw ang kissing scenes nina Marco Gumabao at Lovi Poe sa kanilang pelikulang Hindi Tayo Puwede. Kung ikokompara raw ito sa naging kissing scene nila ni Anne Curtis, magmumukhanng pang-elementary lang ito.
Sa kanilang latest movie ni Lovi, inilabas pa ni Marco ang kanyang dila habang nakikipaglaplapan rito.
“Idol ko kasi si Tony (Labrusca),” Marco said amused.
“For me kasi, normal na kasi para sa akin ‘yung kissing scene. And when you kiss a person kasama naman kasi ‘yan – ‘yung may tongue. Kasi with tongue is not… hindi na siya bago. Hindi siya nakagugulat if you find out that two people who love each other kiss with tongue.”
Ini-justify ni Marco kung bakit naging ganoon ka-wild ang kissing scene nila ni Lovi.
“Ako sa nakita ko rito, ‘yung character kasi namin ni Lovi, especially for my part na ako ‘yung best friend na ang tagal ko na siyang gusto, so andu’n ‘yung excitement to kiss her, to touch her because nakikita mo na ‘yung workmate mo na mahal mo ay boyfriend ng iba.
“So now that you have the chance to show your love to that person siyempre, ‘di ba, mag-all out ka sa pagmamahal sa kanya. ‘Yon ‘yung para sa akin ay parang…
“Actually, hindi ko naman iniisip ‘yung tongue, e, because ‘yung tongue is kasama naman sa love scene ‘yon. Pero ‘yung pagka-passionate ng eksena, ‘yung pagkagigil mo na makasama ‘yung minamahal mo ‘yon talaga ‘yung true meaning ng love scene namin,” he further intoned.
Showing na ang Hindi Tayo Puwede in cinemas starting March 4. The film is directed by Joel Lamangan and produced by Viva Films.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.