NAGBABALIK showbiz ang beauty queen turned actress na si Faye Tangonan matapos mamalagi nang mahabang panahon sa Hawaii.
This month ay sisimulan na nila ang bagong movie with Direk Romm Burlat titled And I Loved Her. Magiging co-star dito ni Ms. Faye sina Richard Quan, Teresa Loyzaga, Ron Macapagal, Keanna Reeves, Rez Cortez, at iba pa. Introducing sa pelikula ang talented na batang si Zairah Madrid na nakabase sa Canada.
Ito na ang third film ni Ms. Faye na naging introducing sa suspense-drama movie na Bakit Nasa Huli Ang Simula, opposite Bidaman finalist Ron Macapagal sa isang May-December affair. Ang pelikula ay ipalalabas sa selected theaters this July at tinatampukan din nina William Martinez, Lance Raymundo, at iba pa.
Kabilang din si Ms. Faye sa casts ng pelikulang Tutop ng ROMMantic Entertainment Productions, directed by Marvin Gabas.
Nagpahayag ng kagalakan si Ms. Faye sa bagong movie na pagkakaabalahan niya? “I’ll be one of the lead actress sa movie na ito. I feel so blessed! Having a movie project to be shown on the big screen is like a dream come true!” Sambit niya.
Wika ng aktres/beauty queen, “The story is actually about Zairah, looking for his real dad. She’s a title holder too, she’s the National Canadian Tiny 2019 winner. She’s smart and a very talented kid, she’s six years old po.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio