Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Ruel Bayani, itinalagang PH ambassador ng Asian Academy Creative Awards

ISANG karangalan ang hatid ng batikang direktor na si Ruel Bayani matapos italaga bilang ambassador ng Pilipinas sa prestihiyosong Asian Academy Creative Awards (AAA).

Kasama niya sa listahan ang mga respetadong media executives mula sa Myanmar, Vietnam, New Zealand, Australia, Indonesia, India, Bangladesh, Sri Lanka, Cambodia, China, Hongkong, Japan, at Thailand na pinili ng AAA na maging ambassador para sa award giving body.

“Pinatunayan ng AAA’s na isa itong pinagkakatiwalaang awtoridad sa industriya at itinuturing kong malaking karangalan ang mapili na ambassador nito para sa Pilipinas,” ani Ruel matapos ianunsiyo ang kanyang pagkakapili.

Nakilala si Ruel sa pagdidirehe niya sa mga blockbuster na pelikulang  Kasal, One More Try, at No Other Woman. Nagsilbi rin siyang direktor ng mga minahal na teleserye gaya ng Iisa Pa Lamang, Tayong Dalawa, at Budoy.

Sa kasalukuyan, siya ang ABS-CBN head for international production and co-production at pinamunuan ang unang pagsabak ng network sa Hollywood production sa pag-produce nito sa international action series na Almost Paradise kasama ang US TV at film outfit na Electric Entertainment.

Taon-taong kinikilala ng AAA ang husay sa iba’t ibang disiplina ng sining sa telebisyon, digital, streaming, at makabagong teknolohiya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …