Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco at Julia, nanguna sa TV ratings

ANUMAN ang intrigang ipukol kay Coco Martin, hindi pa rin siya matitinag! Patunay dito ang patuloy na pamamayagpag ng kanyang action-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Pinanabikan naman ang pagbabalik ni Julia Montes kaya talagang inabangan ang kanyang pagbabalik.

At mas maraming Filipino pa rin ang tumutok sa ABS-CBN!

Sa datos ng Kantar Media para sa buong buwan ng Pebrero, nakapagrehistro ng average audience share na 39%, o anim na puntos na lamang sa 33% ng GMA.

At kung pagbabasehan naman ang mga palabas, naghahari pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano bilang pinakapinanonod na programa sa buong bansa na mayroong 34%.

Mainit din ang pagsalubong ng mga manonood sa pagbabalik-telebisyon ni Julia matapos magrehistro ang 24/7 ng 27%.

Ang TV Patrol pa rin ang nananatiling pinakapinanonod na newscast sa bansa na mayroong 26.5% ratings, habang tinutukan din ang matinding bakbakan ng contestants at coaches ng The Voice Teens na mayroong 26.4% na nagbukas ng bagong season noong Pebrero.

Patuloy namang kinakikiligan ang kuwento nina Billy (Liza Soberano) at Gabo (Enrique Gil) sa Make It With You na mayroong 25.9% ratings. Buong buwan ding kinaantigan ang mga kuwentong hatid ng MMK (24.9%) at ang pagpapakita ng talento ng mga kalahok sa Your Moment (23.9%).

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …