NAKABABAHALA ang pagpatay sa isang Philippine offshore gaming operators (POGO) ng dalawang hinihinalang kasapi ng People’s Liberation Army (PLA) ng China.
“Anything that goes against the interest of the country is a cause of concern by this government and for that matter any government,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kahapon.
Iniimbestigahan na aniya ang naturang insidente at magpapatupad ang gobyerno ng mas mahigpit na patakaran sa mga aktibidad ng POGO sa bansa.
“Any crime committed in this country will be investigated and the perpetrators thereof prosecuted,” ani Panelo.
ni ROSE NOVENARIO
Money
laundering
laganap
POGO GAMIT
NA ‘ESPIYA’
NG CHINA?
NANAWAGAN ang Palasyo kay Sen. Richard Gordon na ibahagi ang mga impormasyon na ginagamit sa pang-eespiya ng China ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at money laundering ng ilang Chinese.
Ayon kay Gordon, posibleng nakapasok na sa POGO ang intelligence operatives ng People’s Liberation Army (PLA) ng China nang makita ang PLA identification cards ng dalawang Chinese national na nagbarilan sa Makati City kamakailan.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sinisiyasat na ito ng mga awtoridad,
“If the good senator has information on that, I think they should provide us with intelligence reports so that we can pursue their line of belief on that matter,” ani Panelo.
(ROSE NOVENARIO)