Monday , December 23 2024

Power tripper si Cayetano sa ABS-CBN franchise renewal

KUNG napakalakas mag-power trip ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa ‘pagbara’ sa hinihinging franchise renewal ng ABS-CBN Corp., biglang nag-iiba na ngayon ang takbo ng mga pangyayari.

Nauubusan na yata siya ng boltahe at tumitiklop na sa isang malaking gusot na siya rin naman ang may kagagawan unang-una. Pero ang matindi, ipinapasa na niya sa iba ang problema.

Kung dati’y gusto ni Cayetano na siya palagi ang bida at matakaw sa bola, bakit parang ipinapasa na niya ito sa iba? Dahil matatalo na? Nasindak siguro sa naging paninindigan ni Coco “Cardo Dalisay” Martin at sa ipinakitang pagkakaisa ng karamihan ng mga senador pabor sa ABS-CBN Corp. Ayaw ng idol niyang si Kobe Bryant ng choker!

Bahala na kayong mag-ayos d’yan! Parang ito na ang nagiging palusot ng leader ng Kamara sa kanyang sulat kay Commissioner Gamaliel Cordoba na sinasabihan niya ang National Telecommunications Commission na bigyan muna ng provisional authority ang ABS-CBN Corp., simula 4 May 2020 hanggang makapag­desisyon ang pinamumunuan niyang House of Represen­tatives (HOR) sa prankisa ng korporasyon.

Ang totoo n’yan, inuna ni Cayetano ang power trip kahit may sapat na panahon naman talaga para i-agenda sa House business ang mga panukala na naglalayong gawaran ng bagong prankisa ang ABS-CBN Corp.

Sa kasakuluyan, nasa 11 bills para sa ABS-CBN franchise renewal ang nakabinbin sa Committee on Legislative Franchise na hinahawakan ni Congressman Franz Alvarez.

Katuwiran ni Cayetano, walang oras pero marami siyang time para sa ibang bagay. Marami pa siyang “kesyo-kesyo.” Kesyo, marami raw priority bills na dapat munang unahin. Kesyo, hindi raw type ni Presidente Digong Duterte na i-renew ang franchise ng ABS-CBN Corp. Nag-uusap ba talaga sila ng Pangulo? O nababasa ba niya talaga si Duterte sa mga body languange o utterances niya?

Kahit ano pa ang signal ni Presidente Duterte, hindi naman trabaho ng Palasyo ang magbigay ng isang legislative franchise, tungkulin ito ng pinamumunuan niyang HOR.

Sa mainit na isyu ng ABS-CBN franchise renewal, lumalabas tuloy ngayon na incompetent si Cayetano. Lalong walang paninindigan. Lalong walang isang salita.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *