Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LT, pinuri ang sobrang dedikasyon ni Coco sa trabaho

NATATAWA na natutuwa si Lorna Tolentino sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil ang dapat na isang linggo niyang guesting ay naging kung ilang buwan.

Sabi ni LT nang muli siyang pumirma ng kontrata sa Beautederm kasama ang presidente at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan, “Dapat hanggang September lang ang pinirmahan kong kontrata sa kanila. Tapos one day, parang sinasabi nila sa akin, itong December mawawala na si Lily. Sabi ko, ‘okey.’ Tapos nitong January, sabi ‘o hanggang February ka na ha.’ ‘Okey,’ sagot ko. Tapos nitong February sabi nila, ‘end of March na ha.’ Okey naman ako ng okey pero pahaba naman ng pahaba ang kontrata ko sa kanila. Kasi hindi nila malaman kung paano papatayin si Lily.”

Sinabi pa ni LT na naoobserbahan niya kung gaano ka-dedicated sa trabaho si Coco. “Noong bago pa lang ako mas nakikita ko kung paano magtrabaho si Coco kasi madalas ang eksena namin noon unlike ngayon.

“Grabe talaga siya magtrabaho para mapaganda ang ‘Ang Probinsyano.’ Minsan nga nakikita ko kung gaano ‘yung stress niya. Nakikita ko rin na siya mismo ang gumagawa ng buong blocking ng buong eksena. Siya nag-iisip para sa buong eksena. Napi-feel ko ‘yung sobrang pagmamahal niya sa ‘Probinsyano’ dahil na rin sa apat na taon na ito ayaw niyang masayang iyon o mawalan ng saysay ‘yung paghihirap nila.”

Iginiit pa ni LT na bagamat maraming stress si Coco, alam pa rin nito kung paano i-handle ang stress at dami ng trabaho.

Nagpapa­salamat din si LT sa Ang Probinsyano dahil, “Dapat talaga 10 days lang ako hanggang sa pinapirma na ako ng kontrata na hanggang September. So ibig sabihin, effective ‘yung pagdating ko, ‘yung character, ‘yung kung paano nila tine-take nang husto ‘yung character ko na nakatutulong din sa istorya at sa akin na rin.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …