Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasal sasagutin… Carlo Aquino, sobrang biniliban ng lady boss ng BeauteDerm!

INAMIN ni Carlo Aquino na natagpuan na niya ang babaeng gustong pakasalan at iyon ay si Trina Candaza, na 14 months na niyang girlfriend.

Sa ginanap na contract renewal ni Carlo para sa Beautederm na dinalohan ng CEO at owner nitong si Ms. Rhea Tan, natanong ang Kapamilya actor kung pumapasok na rin ba sa isip niya ang pagpa­pakasal.

Tugon ni Carlo, “Siyempre, oo, nasa tamang edad na rin naman ako, 34 na ako. Ting­nan natin sa mga susunod na buwan o taon.”

Ayon kay Carlo, naniniwala siyang si Trina na ang ang the one. “Oo. Final answer! Nag-iba iyong outlook ko sa buhay. Mas magaan, happy,” sambit ng aktor na napapa­nood ngayon sa ABS CBN’s A Soldier’s Heart.

Dito’y nabanggit naman ni Ms. Rhea na handa siyang maging ninang nina Carlo at Trina, at willing siyang sagutin ang reception at iba pang kakailanganin sa kasal.

“Kung gusto mo, akin din ang reception, lahat… para sa iyo. Whatever makes you happy, nandito lang si ate and kuya mo (husband niyang si Sir Sam na VP ng BeauteDerm) for you. Mahal na mahal ka namin,” wika ng napaka-generous at award-winning businesswoman na si Ms. Rhea.

Anyway, ipinagmalaki rin ni Carlo ang ini-endorse na Spruce & Dash na isang patented line of amazing products na ini-develop at nilikha para sa mga kalalakihan. Lahat ng mga produkto sa ilalim ng Spruce & Dash men’s line ay FDA Notified at kinabi­bilangan ng limang essential products na kailangan ng mga kalalakihan para sa kanilang pang-araw-araw na grooming. Ang mga produkto ng Spruce & Dash ay Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade.

Bilang isa mga pinakaabala at sought-after na award-win­ning young dramatic actor, mahalaga na alagaan niya ang kanyang balat at personal na hygiene dahil sa kanyang very hectic schedule.

“Gustong-gusto ko ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm at ang mga paborito ko ay Beau Charcoal Soap dahil fresh na fresh at malinis ang pakiramdam ko tapos kong mag-shower at ang Lad Hair Pomade na lagi kong ginagamit sa pag-style ng aking buhok,” saad ni Carlo.

Ipinaliwanag ni Ms. Rhea na ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm ay bahagi ng ongoing at agresibong efforts ng kompanya na i-develop at i-expand ang mga produkto upang lalong maserbisyohan ang mga pangangailangan ng loyal users nito.

“Beautéderm is celebrating so many milestones. We recently celebrated our 10th anniversary, our family which include brand ambassadors, resellers, distributors, and users is growing stronger, and we hit our 100 physical store mark which we set last year. Isa na namang innovation ang Spruce & Dash na proud akong na-conceptualize at na-develop sa tulong ng aking fabulous team. Isn’t it nice to encounter and see a man who takes care of himself? A man who is always fresh and smells good? Spruce & Dash is now here to make every man well-groomed and dashing,” wika ng lady boss ng BeauteDerm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …