Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beautéderm, ini-renew si Lorna Tolentino

MULING ini-renew ng Beautéderm Corporation ang iconic actress at grand slam queen na si Lorna Tolentino bilang isa sa mga top, high-profile celebrity brand ambassadors nito.

Halos isang taon na ang nakalipas nang pormal na naging bahagi si Lorna sa amazing roster ng Beautéderm ambassadors. Kapwang bumuo ng magandang samahan ang legendary aktres na mas mataas pa sa kanilang maunlad na business relationship na umalagwa sa mataas na sales volume ng Cristaux Gold Elixir Serum ng Beautéderm, na kinatawan ni LT sa mainstream market.

Ang kolabotasyon ng Beautéderm at ni Lorna ay talagang matinidi sapagkat kapwa nila kinakatawan ang highest ideals of quality, perfection, integrity, at hard work na nagbibigay ng finest results.

Ngayon, ipinagdiwang ng Beautéderm ang isang buong dekada bilang isang trusted leader sa beauty and wellness industry, nalagpasan na nito ang 100 physical store mark na inumpisahan noong 2019, at mula sa patented at milagrosong skin set nito para sa katawan at muka, patuloy ang brand sa pagdevelop at paglikha ng mga innovative at epektibong produkto gaya ng Spruce & Dash men’s line nito na kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade.

“Sobra ang saya ko sa Beautéderm,” sabi ni Lorna. “Nag-uumapaw sa pasasalamat ang puso ko dahil ini-renew ako ni Rei bilang isa sa mga ambassador ng brand. I’m so thankful for the genuine friendship that I share with Rei, her family, with the entire staff of the company, and of course with my fellow ambassadors. Hindi ko maipaliwanag ang saya at excitement na nararamdaman ko sa Beautéderm.”

Isiniwalat naman ng President and CEO ng Beautéderm, Rhea Anicoche-Tan na maging siya ay maligaya at kasama nila si LT sa pamilya ng Beautéderm. “She is really a woman that I admire and look up to. Lagi ko naman sinasabi na idol ko si Ate LT. Fan ako ng body of work ni Ate LT and we at Beautéderm is honored to have her as brand ambassador. She is an icon of beauty and a symbol of excellence. Pero ang pinaka­mahalaga, Ate LT is a wonderful, selfless person. Her kindness and her beautiful heart inspires us all to be the best versions of ourselves.”

Para sa karagdagang impormasyon sa Beautéderm at para sa mga exciting updates ukol sa brand at sa mga ambassador nito, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm sa YouTube.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …