Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Guardian, tinitingala si Marian Rivera

SI Marian Rivera pala ang tipong tinitingala ni Angel Guardian sa hanay ng mga aktres ngayon. Nang usisain namin siya kung sino ang aktres na gustong sundan ang yapak, ito ang kanyang tugon.

“As much as I can po, gusto kong magkaroon ng sariling path, pero sa showbiz po ang nilo-look-up ko iyong journey ay kay Ms. Marian Rive­ra,” wika ni Angel.

Sino pa ang gusto niyang maka­trabaho in the future?

Sambit niya, “Marami po, like my girl crushes, Heart Eva­ngelista, Rhian Ramos and Lovi Poe.”

Si Angel ay naging introducing sa pelikulang D’ Ninang na tinampukan ni Ai Ai dela Alas. Napanood din siya sa OnanaySahaya, at iba pang shows ng Kapuso Network. Bukod sa pagiging aktres, siya’y isa ring singer.

Ang single niya ay pinama­gatang No Sound under GMA Music. “Kaya siya No Sound, kasi story ito ng dalawang magka­relasyon, then natapos siya. And ‘yung girl nagmo-move on na siya sa guy. Gusto ko ito kasi nakaka-empower siya, lalo sa mga babae na feeling nila hindi nila kayang mag-move on by themselves, kaya natin iyan,” esplika ni Angel.

Naka-relate raw si Angel sa kanta, dahil nakaranas din siya ng break-up at kailangan mag-move on. “Before kasi noong ini-record ko iyan, nasa ganoon akong situation na kailangan ko nang magpalakas ng loob ko, na mag-move on, parang wala na akong paki. So noong ini-record ko ito, as in naramdaman ko talaga,” saad ni Angel.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …