Monday , December 23 2024

Sa ‘pastillas’ scheme… ‘Sibakan’ sa BI pagkatapos na ng imbestigasyon

HIHINTAYIN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon ng Kongreso sa mga anomal­ya sa Bureau of Im­mi­gration (BI) bago siya magpasya sa magiging kapalaran ni Commis­sioner Jaime Morente.

“I think there is going to be an investigation by congress. I defer to congress first before I make a decision. Para walang masabi kung… nandiyan siya. He tells the story from where he stands,” ani Pangulong Duterte sa ambush interview sa Palasyo kagabi.

Hindi muna gagala­win sa puwesto si Morente, anang Pangulo, hanggang hindi pa tapos ang pagsisiyasat ng Kongreso at maging ng Department of Justice (DOJ).

“Wala akong gaga­win. Not yet. Not after the investigation. But I think the Secretary of Justice is also doing his homework. At kung sino lang ang mauna but if there will be somebody who will tell me that these are the things which should have not happened or have happened,” aniya.

Hihilingin ng Pangulo sa Civil Service Com­mission (CSC) na mag­bigay ng pangalan ng mga puwedeng ipalit sa mga sinibak sa Immigration na sangkot sa ‘pastillas scheme.’

“I am insisting on the ouster of all involved. I think we have terminated… but there will be more. I think mayroon yatang napaalis na. But this should be replaced. All of them. And I am asking the commissioner of the Civil Service to give me a list of first grade no’ng mga nakapasa. Good records scholastically. Puwedeng ibigay ‘yung pangalan. I will replace almost all of them,” dagdag niya.

Hindi rin muna aaksiyon ang Pangulo sa kapalaran ng Chinese POGO workers habang wala pang resulta ang imbestigasyon ng Senado gayondin ng China.

“I will wait for this thing to settle down. I will not investigate while there is flurry of you know actions being taken here and there. And also with the investigation in China. It will be prudent for me I think to just wait,” anang  Pangulo.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *