Monday , December 23 2024

Manalangin laban sa 2019 NCOV

DUMATING na rin ang Department of  Health (DOH) medical team na sumundo sa 30 kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) mula Wuhan, China. Dinala agad ang mga kababayan natin sa  Athlete’s Village sa New Clark City, Tarlac.

In fairness sa pamahalaan – DOH, maraming salamat sa hakbangin para ilayo o iligtas ang 30 OFWs sa Wuhan, China na pinagmulan ng killer 2019 novel coronavirus acute respiratory disease.

Sa 30 Pinoy na iniuwi, ang 29 ay adult at isang sanggol ang kasama. Sila, kasama ang 10-member ng repatriation team ng gobyerno ay lulan ng chartered Royal Air Flight na lumapag sa Haribon hangar ng Philippine Air Force sa Clark, Pampanga nitong Linggo dakong 7:00 am.

Siyempre, bilang bahagi ng standard operating procedure, para makatiyak pa rin, bago ibinaba sa eroplano ang mga kababayan natin maging ang sumundo sa kanila, muli silang sinuri sa thermal scanning. Lahat naman ay pumasa o normal ang kalagayan. Maramin salamat Panginoon.

Bago pauwi ang 30 OFWs sa kani-kanilang pamilya, para matiyak na walang nahawaan sa kanila, kinakailangan sumailalim sila sa 14-araw na mandatory quarantine period.  Kasamang sasailalim sa mandatory quarantine ang repatriation team ng Filipinas na binubuo ng Brave 5 ng DOH, Courages 3 ng DFA, at 2 consul maging ang anim na flight crew ng Royal Air.

Uli, maraming salamat sa matagumpay na pagsundo ng gobyerno sa mga kababayan natin, higit sa lahat sa Panginoong Diyos.

Ngayon, ang tanging maitutulong ng mga kababayan ay manalangin na ang bawat isa sa iniuuwi ay ligtas, ipanalangin natin na wala, ni isa sa kanila na kontaminado ng virus.

Marahil, inaakala ng marami na ang sarap naman ng buhay ng mga naka-quarantine sa Atlhete’s Village, dahil de-aircon ang kanilang mga kuwarto at iba pa, nagkakamali kayo dahil sa halip, malamang sa malamang ay puspusan ang paglapit nila sa Diyos.

Maging tayo ay nararapat din ipagdasal ang 30 OFWs dahil hindi lang naman para sa kanila ang magandang kalusugan kung hindi para sa ating seguridad laban sa virus.

Tigilan ang pagbatikos sa anomang hakbangin ng pamahalaan, sa halip makiisa tayo sa panawagan laban sa virus. Hindi biro ang kinahaharap natin sa kasalukuyan, hanggang ngayon ay wala pang natutuklasang gamot o vaccine laban sa virus kaya, imbes pumuna o manisi magtulong-tulong tayo – makiisa sa panawagan na simulan sa sarili ang paglaban sa virus…at higit sa lahat, makapangyarihan pa rin ang Panalangin.

Ipagdasal natin na bigyan ng Panginoong Diyos ng wisdom at magkaisa ang mga doctor/scientist sa iba’t ibang bahagi ng mundo para matuklasan ang bakuna laban sa palalang pagkalat ng 2019 corona virus.

Batay sa pinakahuling ulat, umabot sa 900 ang namamatay sa virus, karamihan ay mulang Wuhan, habang isa ang naitala sa ating bansa na isa rin Chinese national.

Bagamat, isang dayuhan ang namatay ay hindi ibig sabihin na maging kampante tayong mga Pinoy. Walang pinipili ang virus. Kaya, tanging maitu­tulong ng bawat isa sa ngayon ay manalangin – ugaliin natin ito hindi lamang sa tuwing nahaharap sa pagsubok kung hindi araw-araw. Purihin Siya, mangumpisal sa Kanya, magpasalamat sa Diyos at saka Humiling.

Ngayon magkaisa tayong lahat – manalangin para malagpasan ang pagsubok na ito. Let’s God’s wisdom guide the doctors and scientists sa buong bansa para makatuklas ng bakuna laban sa virus.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *