Sunday , December 29 2024

Mga sineng lokal na pang-international, bibida sa Sinag Maynila 2020

MULING makapapanood ng mga sineng lokal na pang-international ang publiko sa pagtatanghal ng Sinag Maynila 2020 sa mga piling sinehan mula Marso 17 hanggang 24.

Ang Sinag Maynila 2020 ay ang ika-anim na edisyon ng prestihiyosong independent film festival, ito’y pinamumunuan ng direktor na si Brillante Mendoza at ng big boss ng Solar Pictures na si Wilson Tieng.

Tampok sa filmfest ang limang full-length na pelikula, anim na documentary, at 10 short films. Ang limang full-length na pelikula ay unang beses na mapapanood sa Pilipinas sa Sinag Maynila, 2020 at ang apat sa mga ito ay mga world premiere.

Mayroon ding mga lecture tungkol sa post-production, symposium, filmmakers’ Fellowship Night, screening ng mga world-class na pelikula at marami pang ibang ganap.

Ang mga napiling full-length na pelikula ay ang He Who is Without Sin ni Jason Paul Laxamana, tampok sina Enzo Pineda at Elijah CanlasThe Highest Peak ni Arnel Barbarona, tampok sina Dax Alejandro at Mara LopezKintsugi (Beautifully Broken) ni Lawrence Fajardo, tampok si JC Santos at ang Japanese actress na si Hiro NishiuchiLatay (Battered Husband) ni Ralston Jover, tampok sina Lovi Poe, Allen Dizon, Snooky Serna, at Mariel de Leon; at Walang Kasarian Ang Digmang Bayan (The Revolution Knows No Gender) ni Joselito Altarejos, tampok sina Oliver Aquino, Arnold Reyes, Sandino Martin, at Rita Avila.

Kasama naman sa documentary section ang A Remembering of Disremembering ni Cris BringasAgos ni Jerel Travezonda; Coal Story, Bro ni RA Rivera; Kung Saan Ka Happy: An A.D.N. Story ni Kimberly IlayaMga Bayaning Ayta ni Donnie Sacueza; at Vahay: A Documentary on The Ivatan House ni Rica Arevalo.

Kabilang naman sa lineup ng short films ang Ang Kaibigan ni Imaginary F. ni Joey ParasDasal ni Angela AndresLeave Notes ni Yssa Valdes; Nilalang (Of Being and Deceit) ni Juan Carlo Tarobal; Pabasa kan Pasyon ni Hubert Tibi; Silang Mga Nakatago sa Dilim nina Diana Manguiat at Angelica Nitura; Supot ni Philip Giordano; Tahanan ni Mick Quito; Tarang (Life’s Pedal) nina Arvin Belarmino at Patsy Ferrer; at Together ni Blasgil Tanquilut.

Ang opening ceremonies ng festival ay sa sa Marso 17 na ang ipalalabas ay ang digitally restored at remastered na pelikulang White Slavery ni direktor Lino Brocka. Pinagbibidahan ito nina Sarsi Emmanuelle, Emily Loren, Jaclyn Jose, at Patrick dela Rosa, ang sexy drama na isinulat ni Ricky Lee.

Kabilang sa highlights ng Sinag Maynila 2020 ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) Film Talks tampok ang libreng Post Production Workshops mula kay John Wong ng Shutter Post. Ang unang workshop, From Computer Screen to the Big Screen ay gaganapin sa Pebrero 19 at ang pangalawang workshop, Importance of Color and Power of Sound, ay gaganapin sa Marso 4. Ang mga ito ay gagawin sa Solar Screen Room sa Makati, 1:00-5:00 p.m..

Mayroon ding film appreciation symposium tampok ang pelikulang Mindanao ni direktor Brillante na nanalo ng pagka-Best Actress kay Judy Ann Santos, at Best Picture, noong katatapos na 44th Metro Manila Film Festival. Ang symposium ay gaganapin sa Marso 21, 1:00-5:00 p.m. sa SM Megamall.

Bibigyang pansin ng Sinag Maynila 2020 ang pakikipagtulungan ng mga Pinoy na filmmaker at mga filmmaker mula sa ibang bansa. Magkakaroon ng film exchange ang Asian Film Festival (AFF) na base sa Rome, Italy, at ang Sinag Maynila. Ang pelikula ng AFF na La paranza dei bamini (closing film) ni Claudio Giovannesi at Dafne ni Federico Bondi ay ipalalabas din sa UP Film Institute. At sa pagsisimula ng AFF sa Marso 25, ipalalabas ang Mindanao bilang opening film; at ipalalabas din ang ilan sa mga natatanging obra ng Sinag Maynila at mga pelikulang inilabas ng Solar Pictures.

Ang mga magwawagi sa full-length, short film, at documentary competitions ay iaanunsiyo sa Gabi ng Parangal na gaganapin sa Marso, 22, 2020.

Ang Sinag Maynila 2020 ay nabuo sa pakikipagtulungan ng official venue partner SM at SM Cinemas, at ng FDCP. Nagpapasalamat din ang festival sa screening venue partners: Cinema 76 Anonas, Cinema 76 San Juan, Cinema Centenario, Gateway, Robinsons Galleria Ortigas, Robinsons Galleria Cebu, Robinsons Magnolia, SM Manila, SM Mall of Asia, SM Megamall at ang UP Film Institute.

Ang kompletong screening schedule ay ilalabas pagdating ng Marso bago mag-ika-18 ng Marso — ang unang araw ng public screenings ng Sinag Maynila 2020. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang sinagmaynila.com o ang Facebook page ng festival (Sinag Maynila.)

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *