Thursday , December 26 2024

Coco, ‘walang balak patulan si Robin; Netizen, umalma kay Binoe (Bakit isinama mo pang magtrabaho ang asawa’t kaanak mo kung ‘di patas ang ABS-CBN)

KILALANG ‘di mapagpatol si Coco Martin sa mga bumabatikos sa kanya, kaya naman expected na naming hindi ito magbibigay ng kasagutan sa mga ibinabato sa kanya ni Robin Padilla.

Sabihin din nating ayaw siguro palakihin pa ni Coco ang usapin at nirerespeto pa rin niya si Robin.

Bagkus ang mga nakapaligid sa actor ang sumagot at ang mga netizen ang nagtanggol sa bida ng FPJ’s Ang Probinsyano. Ito ay ukol sa sinabi ni Robin na pambubuhos umano ng tubig ni Coco sa mga kasamahan nito sa trabaho.

May mga staff na ng Ang Probinsyano ang nagsabing hindi sila minaltrato ni Coco.

“’Yung buhos tubig ay matagal nang laro sa mga teleserye niya.

“Kapag napa-pack-up ang taping, buhusan ng tubig ang katuwaan.

Sinabi rin ng netizen na dapat gawing halimbawa ni Robin ang Primetime King na maraming natutulungang artista at katrabaho sa showbiz.

Ayon nga sa staff at crew na nakakatrabaho ni Coco, “Maraming natutulungan si Coco sa amin. Tinitiyak nga niyang may pagkakakitaan ang mga crew kapag natatapos ang programa.”

Sinabi pa nitong, 12 sa crew ni Coco ang binigyan ng pedicab na panghanap­buhay.

Hindi lang crew ang nagpapasalamat kay Coco, maging ang mga artistang nakakasama niya sa Ang Probinsyano ay abot-abot ang pasasalamat sa actor dahil muli silang nagkaroon ng pagkakataong makalabas sa telebisyon. Hindi na namin iisa-isahin ang mga iyon dahil napakarami nila. Pero kung nanonood kayo ng action-serye niyang apat na taon nang namamayagpag sa telebisyon, kilala na ninyo kung sino-sino sila.

Nabigyan sila ng panibagong pagkakataon para magkaroon ulit ng career at maging visible sa telebisyon.

At hanggang ngayon, maraming artista pa rin ang nagpapahayag na gusto nilang makalabas sa Ang Probinsyano.

Samantala, sa bagong post ni Robin sa kanyang Facebook account na isang video na may titulong, “Ganito Ba Ang Sinasabi ng ABS-CBN sa Kapamilya??? Ganito ang trato nila sa kanilang mga empleado/talent” may caption siya ritong, “God is great !!! Mga mahal kong kababayan Hindi po ito usapin ng freedom of speech, information, o ano.. Dahil kung yun, eh di sana lahat ng networks, publishing, etc. ay ipapasara na. Unless ang sinasabi po natin ay lahat ng ibang kumpanya ng pamamahayag ay uto-uto sa gobyerno. Ang usapin po dito ay ang renewal ng franchise na isang demokratikong proseso. At natural na bahagi ng renewal na ito ang pag aaral sa mga policies at practices ng kumpanyang nag a-apply ng renewal. Ito po ang natatanging pagkakataon na makapag bigay ng opinyon, karanasan at suhestiyon ang mga taong may kinalaman sa kumpanya katulad ng mga ordinaryong manggagawa. Pagkakataon din ng kumpanya na makinig, mag paliwanag at marahil ay baguhin ang kanilang mga patakaran, kung nararapat. Yun po ang hinihingi ng pagkakataong ito. Hindi ako kontra sa renewal ng franchise. Nais ko lamang gamitin ang oportunidad na ito upang mapag usapan ang mga issue lalo na sa labor, issue ng mga manggagawa na tiyak ay hindi na mapag uusapan kapag naibigay na ang prangkisa. Ito po ang pagkakataong makipag negotiate. Upang maging mas makatotohanan ang sinasabing “service to the Filipino people” na sana ay mag simula sa mismong bakuran ng pamilya.”

Nakatawag-pansin naman ang comment ng isang netizen na si @Shaina Mae Garcia at sinabi nitong, “Robin Padilla, hinamon ang ilang artista na maglabasan ng “Bankbook” upang ipaalam ang kanilang mga sahod.

Well, kulang ka nga talaga sa edukasyon Mr. Robin Padilla, hindi naman sa Bankbook nakikita ang sahod ng mga artista kundi sa wages of account o Pay Slip. Yung bankbook, nakalagay dun yung ipon nila, na posibleng ilang taon na nilang pinag-ipunan.

Heto Mr. Robin Padilla, sa dami ng mga ngawngaw mo, alalahanin mong pumirma ka ng kontrata sa ABSCBN kasama ang asawa mo. Kung noon ka pa pala nakakapansin ng di maganda sa pinagtatrabahuhan mo, bakit isinama mo pa ang mga asawa at kaanak mo na magtrabaho under ABSCBN? Kung hindi ka pala pabor sa ABSCBN, siguro naman hindi ka pipirma ng kontrata sa kanila. Pero hindi ee, pumirma ka, pero ngayon ka lang nagsasalita kasi WALA KANG PROJECT.”

Kasama ng caption na ito ang picture nina Robin at Mariel Rodriguez na parehong nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN noong July 25, 2018.

Hindi ito sinagot ni Robin pero ipinagtanggol siya ng isang Abdul Rashid Muslimen Saripada si Robin laban kay Shaina Mae Garcia. Anito, “panoorin ninyo po muna mga na unang video ni Idol pinaglaban na noon ni Robin Padilla ang mga ordernaryong manggagawa Ng ABSCBN at kinausap pa niya noon si namayapa nang si butihing Gina lopes, nggunit hindi ito nabigyan ng tugon. Intindin niyo po ang post na ito ni sir Robin ngayon.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *