Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LT, magbababu na sa Ang Probinsyano

ANO ba talaga ang problema kay Lorna Tolentino sa pagiging Lily sa  FPJ’s Ang Probinsyano?

Noong isang taon ay napabalitang hanggang September lang ang kanyang partisipasyon sa action-serye ni Coco Martin pero inabot ng 2020 ay tuloy pa rin ang pagiging kontrabida niya.

May balitang tsutsugiin na ang karakter niya sa Marso kasi ito na raw ang pagwawakas ng FPJAP pagkatapos manguna ng ilang taon bilang panoorin gabi-gabi. As in, mag-e-end na ang palabas.

Sa panayam kay Lorna, tahasan nitong sinabi na hindi totoo ang balitang magwawakas na ang teleserye ni Coco sa Marso.

Iginiit nitong siya ang mawawala at sa Marso ito magaganap. “I think until May pa ang ‘Probinsyano’ pero I’m not sure kasi tuwing okey naman ‘yung naging istorya at okey naman ‘yung ratings ang hirap nilang palitan,” pahayag nito.

Mag-iisang taon na si Lorna sa darating na Marso 1 sa nasabing panoorin.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …