Monday , December 23 2024

Dahil sa pagbasura sa VFA… Kudeta vs Duterte niluluto — Joma

MAY nilulutong coup d’ etat laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng militar na nadesmaya sa pagbasura niya sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ang inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief political consultant Jose Ma. Sison.

“Just by giving the US a notice of terminating VFA, he has aroused quite a number of pro-US military officers to talk against him and curse him for prejudicing hundreds of projects under the VFA. Some of these officers have been talking about a coup,” ani Sison sa isang kalatas.

Karamihan aniya sa mga pasimuno ng planong pagpapatalsik kay Duterte ay “assets” ng US Defense Intelligence Agency at Central Intel­ligence Agency na mas loyal sa kanilang ‘pocketbooks’ kaysa sambayanang Filipino.

Pinayuhan ni Sison si Duterte na ibasura ang lahat ng military agree­ments sa US gaya ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), Mutual Defense Treaty (MDT), at ang Mutual Logistics and Support Agreement (MLSA) upang malu­sutan ang lahat ng tangkang kudeta laban sa kanya.

“For him to do so and counter any coup threat from pro-US military officers, he would need to invoke national sovereignty and at the same time, complement this with highly patriotic and progressive social, economic and political reforms to get solid support from the people as in Cuba, Vietnam, and Venezuela,” ani Sison.

Ito aniya ay upang masungkit ni Duterte ang suporta ng ”truly patriotic” military officers at enlisted personnel.

Upang maipakita na hindi pinapaboran ni Duterte ang Chinese imperialism, dapat din aniyang hilingin ng Punong Ehekutibo ang withdrawal ng China sa mga itinayo nitong “artificial and militarized islands” sa exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas sa West Philippine Sea.

“Otherwise, the scrapping of the military agreements with the US would be considered as merely favoring Chinese imperialism and the surrender of the West Philippine Sea to China,” giit ni Sison.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *