DUDA ang Palasyo sa pahayag ni US President Donald Trump na balewala sa kanya ang pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement ( VFA) at makatitipid pa ang Amerika sa nangyari.
“Let’s see how his words will match the actions of the US government,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Ang pahayag ni Trump ay taliwas sa sinabi ni Panelo kamakailan na magiging mas mainit pa ang relasyong PH-US sa pagbasura ni Duterte sa VFA dahil kilala ang Amerika na sinusuyo ang kritiko pero sa kakampi ay hindi maganda ang trato.
Sa isang panayam sa Oval Office sa Washington, D.C. kahapon ay minaliit ni Trump ang pagwawakas ng VFA.
“I never minded that very much, to be honest. If they would like to do that, that’s fine. We’ll save a lot of money. You know, my views are different than other people. I view it as, ‘thank you very much. We save a lot of money’,” ani Trump.
(ROSE NOVENARIO)