SA pakikipag-usap namin kay Tom Rodriguez ukol sa pagpayag niyang si Mikael Daez ang maging leading man ni Carla Abellana sa Love Of My Life, nalaman naming may pinagdaraanang matinding depresyon ang aktor.
“Wala namang isyu sa akin ‘yun, basta sa akin ‘yung makasama ko lang ‘yung mga kapareho na mga aktor at aktres na mag-e-elevate sa kaalaman ko sa idustriyang ito, they’re very collaborative, they’re amazing people to work with and most of them are people that I’ve worked with before.
“Katulad ni Direk Don Michael Perez, now favorite ko na siya, sana palagi ko siyang makatrabaho, especially si Ms. Coney Reyes, grabe, sa kalibre niyang aktres, kahit paano hindi siya maramot sa pagsuporta at pagbibigay ng advice sa mga baguhang aktor na katulad ko, and I’m very…
“Kasi galing ako ng ‘Dragon Lady’ and during this serye, after going through niyong nangyari kay daddy noong 2017, hirap na hirap ako sa ‘Dragon Lady’ kasi nalaman ko that time we’re going through a family crisis, ‘yung brother-in-law ko has stage 4 cancer din, ngayon nalampasan na niya.”
March 25, 2017 pumanaw ang ama ni Tom na si William Albert “Bill” Mott Sr. sa sakit na lung cancer. At hindi pa nga nakaka-move on si Tom sa pagkawala ng ama, ang bayaw naman niya ang nagkasakit ng kanser din.
Pagpapatuloy pa ni Tom, ”So during that time, imbes na napagdaanan ko na rati dapat mas matatag ako, sad to say opposite ‘yung nangyari sa akin, it broke me down, kung wala si Carla roon to help me, hindi ko na alam kung paano magtrabaho, takot akong magtrabaho.
Na-depress siya nang husto? ”Medyo in a way, na sinabi ko nga kay Popoy noong sinabi niya sa akin, ‘Poy hindi ko yata kaya, hindi ko alam kung paano gawin ‘yung trabaho’, ganito, ganyan, Carla encouraged me, Popoy encouraged me, buti na lang hindi ako nagpadala sa kaduwagan ko at sa takot.”
Bukod sa suporta nina Carla at manager niyang si Popoy Caritativo, trabaho, tulad ng Love Of My Life ang naging panlaban ni Tom sa kanyang mga masakit na pinagdaanan.
“Actually, iyon nga ‘yung…hindi naman nakatutuwa siguro, pero the beautiful thing about this project was, buti na lang tinanggap ko siya, kasi posible pala na magkaroon ka ng isang role na hindi lang magpapalawak sa kaisipan mo bilang aktor, pero nakabuo rin siya sa pagkatao ko bilang Tom Rodriguez.
“Whereas before, nagtatago ako, ayokong lumabas ng bahay, hindi ko na maramdaman na…hindi ko na kilala ‘yung sarili ko, Carla was there to help me strengthen my relationship with Him, may mga moment na nawalan ako ng tiwala sa Kanya.”
Bakit? ”Kasi yung nangyari kay daddy, medyo hindi ko pa tanggap, hindi ko naharap, tapos nangyari uli sa bayaw ko na apat ‘yung anak niya, mas lalo kong hindi natanggap.”
Masyado ring naapektuhan si Tom sa pagkakasakit ng bayaw niya.
“My brother-in-law? He stood like a brother figure for us, since ako ‘yung eldest male.
“Kuya Lucas ko ‘yun eh, I love that guy.”
Pero nalampasan na nga ni Lucas ang sakit nito, ”I’m so happy and so proud.”
Isa ang Love of My Life sa mga naging therapy ni Tom.
“Iyon ‘yung nakatutuwa roon, in a way it became therapeutic for me, kasi ngayon nailagay ko ‘yung sarili ko sa sapatos nila, and in that way mas nalapit ako sa mga pinagdaanan nila at naisara ko rin ‘yung mga sugat na… nahilom din ‘yung mga sugat na mayroon ako sa pagkatao ko, na mga…sabihin na lang natin na mga ‘darkness’ na hindi ko ma-face.
“Na parang iniiwasan ko ‘yung sakit na andoon, ‘yung sugat na nandoon, akala ko okay na, hindi pala ako okay, iniiwasan ko lang. Dito sa show na ito naharap ko siya, and in that way I can finally say that I can feel like myself again.”
Sa mga madidilim na bahagi ng buhay ni Tom, mabuti at hindi niya naisipan na mag-suicide?
“Ayoko na lang sigurong i-invoke lahat, pero definitely it was…parang nahalo ‘yung isang sahog na ‘yun sa…naging rekado ‘yun sa niluluto ng Diyos para sa atin.”
Kumbaga medyo dumaan sa isip mo? ”Dumaan din sa…”
Pero hindi iyon hinayaan ni Tom na mangyari. ”Buti na lang I have people around who loved me and nurtured me and supported me, nalampasan ko ‘yun.
“Iyon ‘yung pinaka-isang lesson na natutuhan ko, you have to be okay with the struggles in life, you can’t…hindi puwede ‘yung mentality na you work to retire.
“Struggles exist in our life, it’s how you face it, it makes us stronger, it makes our armor stronger, iyon ‘yung biggest lesson na nalaman ko lalo na rito sa nangyari kay Kobe Bryant.”
January 26 ay pumanaw ang basketball Superstar sa isang helicopter crash.
“Masakit man, we can’t let that stop us and defeat us, we have to keep moving forward, it’s the best thing we could do for those people that have left us. ‘Yun na ‘yung parang tribute natin sa kanila.”
(ROMMEL GONZALES)