Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

‘Interesting Times’

NASABI ng matalik kong kaibigan na si Philip Lustre that “the situation is getting interesting.” Bakit naging interesting?

Dahil sa sunod-sunod na dagok na dumapo sa bansa. Kapuna-puna ang kawalan ng reaksiyon ng gobyerno —simula nang ipatupad ang Magnitsky Act, pumutok ang bulkang Taal, hanggang sa pagdating ng pandemikong novel coronavirus o nCoV.

Laganap na nCoV, tumawid-bakod mula Tsina. Kumilos ang lahat ng mga bansang apektado na pigilan ang pagpasok ng mga dayuhan partikular ang mga bumibiyahe mula Tsina. Bukod tangi ang Filipinas. Bagkus pinapapasok ang mga dayuhan, partikular ang mga nagmula sa Wuhan City sa Tsina.

Isa lang ang masasabi ko sa mga opisyal ng DOT, DOH, DFA at Malacañang. Malaki ang katangahan nila. Tumutukod sila. Nagkakalat sila.

Hindi alam ni Health Secretary Francisco Duque ang katungkulan ng isang kalihim. Imbes gumawa ng mga “proactive” na hakbang at tumulong, may lakas ng loob na sisihin niya ang CAAP at mga flag carriers sa isang Senate inquiry!

Sa Senate hearing tungkol sa nCoV sa Filipinas, itinuro na pinagmulan ang mga turistang Tsino. Imbes magmungkahi ng solusyon, sinisi ni Duque ang CAAP, PAL at Cebu Pacific. Hindi ko alam kung ano ang nais patunayan ng kalihim sapagkat hindi kanais-nais ang mga binitawang salita sa Senado.

Hindi gawain ng isang kalihim ang manisi. Bagkus siya dapat ang nangunguna upang humanap ng solusyon. Nakahihiya siya. Isang malaking insulto sa mga kumakatawan sa DOH, at sa mahigit isang daang taon na kasaysayan ng paninilbihan sa bayan.  Hindi siya karapat-dapat na maging isang kalihim. Dapat na magbitiw siya.

Dumako tayo sa VFA o Visiting Forces Agreement, isang tratado sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos. Kamakailan, inutusan  ni Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na makipagtalastasan sa Estados Unidos upang ipahayag na tinatapos ng gobyerno ni Duterte ang VFA. Pinatotoo ito ni Salvador Panelo.

Ito ay di- hamak na malaking tulong para sa hukbo natin at tugon ito sa modernisasyon at pagkaagap para sa anomang sigalot na maaaring mangyari sa ating rehiyon.

Sinabi ng dating US president Barack Obama: “Our commitment to defend the Philippines is ironclad and the United States will keep that commitment, because allies never stand alone.” Binabalewala ito ni Duterte.

Mas pinapanigan ni Duterte ang Tsina, isang 180 degree about-face sa ugnayan ng mga hukbo ng Filipinas at Estados Unidos. Kapuna-puna na pro-Beijing si Duterte at gagawin ang lahat para sa interes ng kanyang mga amo sa Beijing.

Malamig na noon si Duterte sa Amerika pero lumala ito nang ipinairal ang Majintsky Act kung saan ang mga kaalyado ni Duterte at kaanak ay tinanggalan ng US visa. Hindi kataka-taka kung si Duterte ay sakop ng Majintsky Act.

Wala yatang ginawang matino si Sal Panelo. Nagmukha siyang payaso na nagpupumilit maging seryoso, ngunit dahil payaso nga, wala namang bukambibig, o gawain na matino, bagkus nakatatawa. Ayon sa aking namayapang kong ama: “Pumunta ka sa Dewey Boulevard at tadyakan mo ang anomang puno ng niyog doon, at sampu ng katulad niya ang malalaglag.”

Makikita na ang mga tauhan ng gobyerno ni Duterte ay parang dalawang kamay na hindi nalalaman ang galaw ng isa’t isa. Sa pananaw ng isang kaututang-baso “malabo pa sila sa sabaw ng pilos.”

Kaya tama ka kaibigang Philip Lustre. Nagkakagulo sila. Nagkakalat sila. Kaya the situation is getting interesting.

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *