NABABAHALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa 2019 novel coronavirus outbreak.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginagawan na ng paraan ng administrasyon para matugunan ang naturang problema.
Nauna nang inihayag ni Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na aabot sa P133 bilyon ang mawawala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis sa nCov hanggang Disyembre.
Ayon kay Panelo, pursigido ang pamahalaan na mahinto ang pagkalat ng naturang sakit.
Hindi lamang aniya ang Filipinas ang apektado ng nCov kundi maging ang buong mundo.
Sa pinakahuling talaan ng health officials sa China, umabot na sa mahigit 800 ang namatay dahil sa nCoV.
(ROSE NOVENARIO)