Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lotlot kay Lolit —I have so much respect for her

O o naman,” ang bulalas ni Lotlot de Leon nang tanungin kung okay sila ni Lolit Solis. ”Oo naman, kasi sabi ko nga si Nay Lolit naman kinalakihan…actually halos lahat naman kayo kinalakihan ko na rito eh, bata pa lang ako, wala pa ako sa…”

So ibig sabihin, si Janine ay okay na rin?

Yeah! Wala namang… ang liit ng mundo natin, hindi naman para mag-away-away or mag-ano. I think it’s but natural for everyone to give their opinions, so ako I have so much respect for Nay Lolit and everyone here, so maliit ang industriya natin, there’s no room for… we’re not supposed to burn bridges, and lahat naman tayo dahil kumbaga sa out of malasakit, ‘di ba, so ganoon lang iyon.”

Matatandaang naging isyu ang Instagram post ni Janine Gutierrez tungkol sa TV comeback ni Bong Revilla, at dahil alaga ni Lolit si Bong ay nag-post din si Lolit sa kanyang IG account ng pagsalungat at pagpapahayag ng hindi pagkagusto sa posts ni Janine. At nitong nakaraang Lunes, January 27, sa presscon para sa pagpirma ni Lotlot ng kontrata sa kanyang bagong manager na si Leo Dominguez (ng LVD Management & Consultancy Services) ay isa si Lolit sa mga imbitado at magkatabi pa sila sa upuan sa mesa sa The Frazzled Cook sa Scout Gandia sa Quezon City.

Tinanong ni Lolit si Lotlot kung bakit ganoon ang saloobin ni Janine about Bong. “Nay, siguro po you and Janine should sit down and talk, I don’t think it’s right for me also to speak on her behalf, because she’s a grown woman already. May sarili po siyang opinyon, and I think also that because of social media and lahat naman po tayo nakapagbibigay ng opinyon eh, minsan hindi tama sa tenga ng ibang tao, minsan mali.

But we all have, I think the right to say that, to say what we feel, to voice our opinions, so siguro lang po talagang pag-uusap lang.

“Kumbaga kung medyo nasaktan ng kaunti or kung hindi naging maganda ‘yung dating, siguro it should really be personal, dapat mapag-usapan. ‘O bakit mo naman nasabi?’, or something like that, so that ma-clear po kaagad ‘yung… whatever misunderstanding that there may be.”

Natanong naman si Lotlot kung hindi ba niya puwedeng pagsabihan na maging apolitical na lang si Janine?

Hindi ko puwedeng sabihin kay Janine na hindi siya puwedeng maging… magbigay ng opinion, eh. Kasi po unang-una, she has a voice of her own, so even if she’s my daughter I can only… I can give her advices, siyempre alam naman ni Janine ang tama at mali rin, but she has to… she has the freedom to say what she feels is right and I know that if she can say something that may be taken against her, siguro naman kaya rin niyang ipagtanggol ‘yung opinyon niya, hindi ba?

“So… matalino naman ang anak ko eh, mabait din naman… hindi dahil sa anak ko siya, pero mabait ‘yung bata.

“I’m sure hindi naman niya intensiyon na makasakit o may masabing may masasaktan ang kung sino man, but ayun na nga, minsan kasi kung ano ‘yung tama sa akin, maaaring mali sa ‘yo, ‘yung mali para sa ‘yo maaaring tama sa akin.”

“Hindi naman po kayo sasagutin ni Janine,” sinabi naman ni Lotlot kay Lolit. Isa iyon sa hinahangaan ni Lotlot kay Janine.

Yes! Actually, for all the kids. Kasi if there’s one thing that I always tell my children, is before you say anything, pag-isipan ninyo muna ng isang daang beses, bago kayo magsalita.

“So si Janine, knowing her, when she voices out her opinion, it may be taken against her, it may be taken constructively or negatively, but that is her opinion, so may karapatan siya magsalita kung ano man iyon.”

Hindi pa nakakatrabaho ni Lotlot si Bong. ”No, but I know him personally, but I don’t think I’ve ever worked with Senator Bong.”

Ngayong si Leo na ang manager niya, umaasa si Lotlot ng mas maraming proyekto. ”Hopefully yes, praying, because I want to work.

“Full management po, so he will of course guide me and then sa trabaho, and communicate…ayun, basta kung ano po…ako I just want to work, gusto ko lang po talagang magtrabaho.”

Nauna na si Janine na i-manage ni Leo. Siya ba ang naghikayat sa kanya na magpa-manage na rin kay Leo?

No actually… paano ba? Sabi ko, ‘Janine I want to work, I’ll talk kaya to Leo?’”

Kaabang-abang ang iWant original series na The Beauty Queens na prodyus ng ATD Entertainment Productions na idinirehe ni Joel Lamangan. Gaganap dito si Lotlot na isang lesbian na karelasyon ng karakter ni Ms. Gloria Diaz.

Rated R
ni Rommel Gonzales  

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …