NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na salubungin ang mga Pinoy na ililikas mula China bago dalhin sa quarantine site sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija sa Sabado.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, umuusad ang talakayan sa Presidential Management Staff (PMS) at Presidential Security Group (PSG) kung papayagan ang Pangulo na makahalubilo ang mga Pinoy mula sa lugar na pinagmulan nang kinatatakutang novel corona virus.
“The President wants to be there. He’d like to be there on Saturday pero tingnan muna natin sa (let’s see with the) PMS and PSG,” aniya.
Inutusan ng Pangulo si Health Secretary Francisco Duque III na salubungin ang mga Pinoy mula China at tiyakin na magpapatupad ng mga hakbang upang maging ligtas ang lahat.
Nakatakdang dumating sa Sabado ang 42 Pinoy mula sa China sa Clark International Airport at dadalhin sila sa Fort Magsaysay para sa 14-day mandatory quarantine.
(ROSE NOVENARIO)