Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, nangakong laging may pasabog sa bagong teleserye

BALIK-TELESERYE ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim after three years via Love Thy Woman ng Dreamscape Entertainment, na tumatalakay sa isang modern Chinese family.

Noong isang taon pa ito sinimulang gawin, and finally, ipalalabas na sa February 10. Ito ang papalit sa timeslot na iiwan ng Kadenang Ginto.

Dahil may lahing Chinese si Kim, naka-relate siya sa kanyang character bilang si Jia, na pangalawang pamilya ng kanyang amang si Adam Wong, na ginagampanan ni Christopher de Leon.

Sa presscon ng nasabing serye, paulit-ulit nga niyang sinasabi na mapapanood dito ang totoong nangyayari sa isang modern Chinese family,  lalo na ang pagkakaroon ng maraming pamilya ng padre de familia.

Ang huling serye na ginawa nina Kim at Xian ay ‘yung The Story of Us. Dito sa bago nilang serye, ayon kay Kim, ay level-up na sila ni Xian. Marami silang ipakikitang bago.

Walang kukurap. Araw-araw may pasabog kami,” sabi ni Kim.

Sabi naman ni Xian, “Definitely, something new ang mapapanood nila. Pati sa lovesecene ay level-up kami rito.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …