Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
human traffic arrest

3 lider sabit sa human smuggling… Simbahan ni Quiboloy sa Amerika ni-raid ng FBI

DUMISTANSYA ang Palasyo sa bestfriend forever (BFF) o matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Sinalakay kamaka­lawa ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation ( FBI) ang simbahan ng Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles, California dahil sa kasong human trafficking at inaresto ang tatlong lider nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iginagalang ng Malacañang ang raid ng FBI at kung mapatu­tu­nayan na nagkasala ang tatlo, dapat lamang na parusahan sila sa ilalim ng umiiral na batas sa nasabing bansa.

Sinabi ni Panelo, iginagalang ng Filipinas ang mga batas sa Ameri­ka gaya nang ginagawa nilang pag­respeto sa mga batas sa Filipinas.

Hindi aniya maaring magreklamo ang gobyer­no ng Filipinas lalo na’t lehitimo ang raid sa simbahan.

“If the raid is legitimate then we cannot complain on that. You must remember that if a crime is committed in any country then the law of that country would have to be followed. We have to respect them. The way we ask them to respect ours,” ani Panelo.

Matatandaan, ma­ging si Quiboloy ay naha­rang na rin sa Amerika noong February 2018 dahil sa kuwestiyo­nableng pagdadala ng malaking halaga ng dolyares at mga baril.

Naging kontrober­siyal din si Quiboloy matapos mag- viral sa social media ang kanyang pahayag na kanya uma­nong pinahinto ang malakas na lindol na tumama sa Mindanao region kamakailan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …