WALA pang plano ang administrasyong Duterte na pauwiin sa bansa ang mga Filipino na nasa Wuhan City sa China kahit laganap na siyudad ang coronavirus.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinapayohan ng Malacañang ang mga Pinoy sa Wuhan City na mag-ingat at maglatag ng precautionary measures.
Hindi kasi aniya maaaring agad na paalisin ang mga Filipino sa Wuhan City dahil naroon ang kanilang kabuhayan.
Kaugnay nito, may mga nakalatag nang hakbang o protocols ang Department of Health (DOH) sakaling maging mapanganib ang coronavirus sa Filipinas.
Sa ngayon, sinimulan aniya ng pamahalaan na pabalikin sa China ang mga dayuhang nanggaling sa Wuhan City.
Kasabay nito, nakiusap ang palasyo sa mga Filipino na nasa Wuhan na maging alerto at maging maingat.
(ROSE NOVENARIO)