Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jiro Manio, nagbago na, ‘di na umiinom at naninigarilyo

AFTER ng gulong kinasangkutan ni Jiro Manio, ang pananaksak umano kay Zeus Doctolero, pinaratangan siyang balik- drugs ng mga basher. Si Jiro pa ang sinisisi sa nangyari.

Pero nakakuha na ng kopya ng CCTV sa naganap na insidente. Nakita roon na talagang pinag-trip-an si Jiro ni Zeus, noong pauwi na ito mula sa trabaho. Bigla siya nitong hinampas ng helmet sa ulo ng dalawang beses. Lumaban lang si Jiro, ipinagtanggol ang saril.

May witness na rin na  nagpatunay na inunahan si Jiro ni Zeus, ipinagtanggol lang dating child actor ang sarili.

Nang maka-chat namin ang Daddy Andy ni Jiro, sabi niya, dapat ay si Zeus ang kinasuhan at hindi ang kanyang anak. Self-defense lang ang ginawa nito. Nagtatago na nga raw ngayon si Zue.

Ayon pa sa Daddy Andy ni Jiro, nagbago na nga ang award-winning young actor. Nagtatrabaho na ito ngayon sa isang canteen. Gusto na rin nito ng tahimik na buhay, kaya ayaw nang bumalik sa showbiz. Hindi na rin ito naninigarilyo at umiimom, kaya imposibleng bumalik sa dating bisyo, ang pagda-drugs.

Sobra naman daw makahusga ang mga tao.

Kawawang Jiro, siya na nga ang agrabyado sa nangyari, siya pa ngayon ang nakulong.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …