Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino nga ba ang special someone ni Gerald?

SI Gerald Anderson ang pangunahing bida sa bagong primetime drama series ng ABS-CBN 2, ang A Soldier’s Heart. Gumaganap siya rito bilang si Alex Marasigan, isang Muslim, na noong bata pa ay inampon ni Rommel Padilla, sa role na isang sundalo.

Noong nagbinata na si Gerald, nag-decide siyang sundan ang yapak ng ama-amahan, maging sundalo rin.

Maipagmamalaki ni Gerald ang bago niyang serye.

“Sigurado po kaming marami kayong matututuhan sa first week pa lang namin. Hindi lang ito basta tungkol sa mga sundalo, kundi pati sa mga pamilya ng sundalo.

“’Yung mga sakripisyo na ibinibigay nila. And siyempre, pati ‘yung sa ibang side, pati sa Islam, mas maiintindihan natin,” sabi ni Gerald nang makausap namin sa special screening ng A Soldier’s Heart.

Natutuwa si Gerald na nakatrabaho niya sa nasabing serye sina Nash Aguas, Jerome Ponce, Vin Abrenica, Elmo Magalona, Yves Flores, at Carlo Aquino.

“I’m very lucky to be in the same line with the great actors. And I’m very excited na mapanood kung gaano sila kagaling.”

Ikinuwento ni Gerald ang training na ginawa nila bago sumalang sa nasabing serye.

“Dumaan kami sa three-day scout rangers course. Sobra akong nagpapasalamat na dumaan kami sa training na ‘yan. Kahit paano, totoo ‘yung mga eksena namin, eh. Sobrang thankful lang ako, na ako ‘yung pinili para gampanan ‘yung Alex Marasigan.

“Sa totoo lang, hindi ako nakararamdam ng pagod, dahil na-enjoy ko ‘yung ginagawa ko, eh, at alam ko na mayroon kaming ginagawa para sa bansa natin, dito sa show.

’Yung mga kinukunan, ‘yung training, sobrang totoo lahat ‘yan. But very fulfilling.”

Samantala, sa tanong namin kay Gerald kung sino ang special someone na binigyan niya ng regalo noong nakaraang Pasko, ang natatawa niyang sagot, “’Yung nanay ko. Siya ang special someone ko.”

Pagkatapos sagutin ni Gerald ang tanong namin ay agad na siyang tumayo at umalis. Alam niya siguro na iba ang gusto naming marinig na sagot mula sa kanya, at ito ay si Julia Barretto, na sinasabing girlfriend niya ngayon.

Ang A Soldier’s Heart ay napapanood sa Primetime Bida ng Kapamilya , mula Lunes hanggang Biyernes.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …