Saturday , November 16 2024
OFW kuwait

No deployment ban sa Kuwait — Duterte

HINDI magpapatupad ng total deployment ban sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte kahit ginahasa at pinatay ng kanyang employer ang isang Pinay overseas worker.

Sinabi ng Pangulo sa panayam sa ABS-CBN kamakalawa na iba ang sitwasyon ngayon kompara sa mga naka­lipas na taon dahil mabilis ang pag-aksiyon ng mga awtoridad sa Kuwait at agad na dinakip ang employers ni Jeanalyn Villavende.

“You know the situation is quite dif­ferent. The police autho­rities in Kuwait acted swiftly and they have arrested the spouses,” sabi ni Pangulong Duterte.

“Kita mo naman, there were arrest made and there is an inves­tigation going on and apparently justice is being done. I’m not really keen on moving people out,” dagdag niya.

Nauna rito’y inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ipinanukala ni Labor Attache Nasser Mustafa  na magpatupad ng partial deployment ban sa Kuwait dahil sa sinapit ni Villavende.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *