Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P4.1-T 2020 nat’l budget maingat na binubusisi ni Duterte

TODO ang pagbusisi ni Pangulong  Rodrigo Duterte sa P4.1 trilyon 2020 national budget.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ratipi­kahan ng dalawang kapu­lungan ng kongreso ang pambansang pon­do.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nababago ang paninindigan ni Pangulong Duterte na i-veto ang mga probisyon na taliwas sa Saligang Batas.

Una rito, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mayroong P83 bilyong pondo ang inilaan sa mga kuwestiyonableng pro­yek­to.

Ayon kay Panelo, aaprobahan ng pangulo ang mga naaayon sa batas at tatanggalin ang labag sa batas.

Matatandaang ini-veto ni Pangulong Duterte ang P95 bilyong pondo dahil sa kuwesti­yona­bleng proyekto na naka­paloob sa 2019 national budget.

Hindi matukoy ni Panelo kung kailan lalagdaan ni pangulong Duterte ang 2020 national budget.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …