Friday , November 22 2024

Pinakamalaking action-adventure ni Bossing Vic, kaabang-abang

HUMANDA at mag-buckle up para sa pinakamalaking action-adventure family movie ngayong Pasko dahil nakipagsanib-puwersa si Vic Sotto sa isang kamangha-manghang ensemble cast na pinangungunahan nina Powkang, Jake Cuenca, Wally Bayola, Jose Manalo, at Maine Mendoza sa Mission Unstapabol: The Don Identity, opisyal na entry ng APT Entertainment Inc. at MZET Productions para sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa ilalim ng direksiyon ng ace action-adventure director na si Mike Tuviera at sa panulat ng inimitable trio nina Don Santella, Michelle Ngu, at Aloy Adlawan, ang Mission Unstapabol: The Don Identity ay isang action-packed, edge-of-your-seat, at high octane heist movie para sa lahat.

Ang Mission Unstapabol ay nakasentro sa master strategist na si Don Robert Fortun (Sotto) na pinagsama-sama ang isang grupo ng mga eksperto na makikila bilang “The Dons,” na kinabibilangan ng magician na si Suzetta (Pokwang), ng wrestler na si Johnson (Cuenca), ng car racer na si Kikong (Jelson Bay), at ng misyteryosang master computer hacker na si Donna (Mendoza). Sa ilalim ng pamumuno si Don Robert, gagawin ng The Donsang ang pinakamalaking plano upang makuha ang sikat at heavily guarded na Pearl of the Orient (Perlas Ng Silangan) mula sa mga kamay ng manlilinlang na kapatid ni Don Robert na si Benjamin “Benjie” Fortun (Manalo) at para ma-vindicate ang kanyang pangalan sa isang karumal-dumal na krimen na hindi niya ginawa.

Karapat-dapat banggitin na ang mahusay na pagganap ni Vic sa papel ni Don Robert sa Mission Unstapabol ang ang pinaka-thrilling na papel na kanyang ginampanan to date sa maningning na kasaysayan ng kanyang taon-taong partisipasyon sa MMFF. Bukod sa pagiging isang mahusay ding strategist, may puso ang karakter ni Don Robert.

“Gagawin ni Don Robert ang lahat para ma-vindicate siya sa isang krimen na hindi niya ginawa,” ani Sotto. “Habol niya ang katotohanan at hustisya. Interesting at exciting Makita kung paano mag-e-evolve ang kanyang karakter sa pelikula.”

Mayroon pang ibang mga “firsts” na ibibigay ang Mission Unstapabol na maaaring abangan ng mga manonood. Una, ito ang unang full-length mainstream movie ni Maine matapos siyang lumabas sa critically-acclaimed romantic-drama na Isa Pa, With Feelings na nakasama niya si Carlo Aquino. Habang ipinamalas ni Maine ang kanyang dramatic acting prowess sa katatapos lamang na proyekto, ang kanyang papel bilang si Donna ay hitik sa adrenaline at anghang na makikita sa kanyang pabolosong action sequences.

Ang comedienne naman na si Pokwang ay reunited kay Bossing sa Mission Unstapabol sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang taon mula nang sila ay magkasama sa pelikula. Halos isang dekada na ang nakalipas mula nang nagsama sina Pokwang at Bossing sa Pak! Pak! My Dr. Kwak! noong 2011 habang unang pagkakataon naman na makakasama ni Jake sa pelikula ang iconic na aktor.

Lalayo naman si Jose bilang sidekick ni Bossing sa kanyang pagganap ng kontrabidang si Benjie Fortun habang may key role naman si Wally  na tiyak na kapapanabikan ng mga manonood at si Jelson Bay naman ay magdaragdag ng kakaibang comedic flavor bilang loyal sidekick ni Don Robert.

Lalong magiging makulay ang pelikula sa bonggang support cast na pangungunahan nina Ton Ton Gutierrez, Max Collins, Lani Mercado, Clint Bondad, Pekto, Dino Pastrano, at Sarah Lahbati.

Siyempre pa ang tumahi sa adrenaline pumping movie na ito ay ang nag-iisang si Mike Tuviera na mahusay na ginamit ang lahat ng elemento ng isang kapana-panabik na action-adventure movie habang napanatili ang mga Pinoy value sa pelikula.

“Hitik ang pelikulang ito ng positive Filipino values,” sabi ni Tuviera. “There is a lesson to learn here – the good will always be rewarded and justice will always be served to the innocent. At the end of the movie, madidiskubre ng mga tao na ang pinaka-mahalaga ngayong Pasko ay pamilya, pagpapatawad, at pagmamahalan.”

Ang Mission Unstapabol: The Don Identity ay handog ng APT Entertainment Inc. at mapapanood na sa lahat ng sinehan sa buong bansa simula sa Disyembre 25.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *