KOMPIYANSA ang Palasyo na mananaig ang katarungan sa paglabas ng desisyon ng hukuman sa Ampatuan massacre case na naganap sa Maguindanao.
“The court will decide on the basis of evidence so we hope that justice will be given to the parties, especially for the prosecution,” sabi ni presidential spokesman Salvador Panelo.
Itinakda ni Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes ang paglalabas ng hatol sa karumal-dumal na krimen ngayong 9:00 am sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Pangunahing mga akusado sa kaso ang mga miyembro ng pamilya Ampatuan.
Matatandaan, pinaslang ang 58 katao, 32 ay mga mamamahayag, noong 23 Nobyembre 2009 habang patungo sa tanggapan ng Comelec para maghain ng certificate of candidacy ni Toto Mangudadatu, karibal sa politika ng mga Ampatuan.
Ang Maguindanao massacre ang itinuturing na pinakamadugong pag-atake sa media sa buong mundo.
(ROSE NOVENARIO)