Friday , November 15 2024

Muzon public market, nasunog o sinunog?

SABADO ng umaga, petsa 14 Disyembre, isang malaking sunog ang naganap sa Muzon Public Market na matatagpuan sa Pabahay, Barangay Muzon, San Jose del Monte, City of Bulacan.

Nagsimula ang sunog dakong 3:00 am. Habang patuloy na lumalagablab ang apoy, at patuloy na kumakalat sa stalls, walang mga kawani ng pamatay sunog o bombero na sakay ng Fire trucks ang dumarating.

Para bang siniguro o sinadyang sunugin ang naturang palengke dahil dalawang oras ang nakalipas, bandang pasado 5:00 am ng umaga, dumating ang mga bombero at saka sinimulan na bombahin ng tubig mula sa mga hose ang apoy na kung mabilis sana ang responde ng mga bombero ay mayroon sanang apoy na pinapatay ang mga hose ng tubig at dahil tupok na ang mga ari-arian tanging usok na lamang ang binobomba ng tubig.

Ayon sa mga residente, walang miyembro ng kagawad umano ng Barangay ang nakita habang nasusunog ang nabanggit na Palengke.

Dumating umano ang Kapitan ng Barangay na may apelyidong Gatchalian dakong tanghali na at narinig umano ang mga katagang “May natira pa?” Ang tinutukoy umano ni Kapitan Gatchalian ang stalls na ‘di nakasamang tinupok ng apoy.

Sa aking pananaliksik, ikalawang beses umano nang pinagtatangkang sunogin sa Muzon Public Market dahil plano ng administrasyong Mayor Arthur Robes na ilipat ang Palengke sa bagong tayong Muzon Central Market na naroroon rin ang Central Terminal Bus at Jeepney Station.

Nais palakasin ng adminis­tra­syong Robes ang bagong tayong palengke na mag­da­dalawang taon nang nilalangaw dahil walang umo­okupa.

Sa bagong tayong Palengke ay may pag-aaring restoran Kapitan Ga­tcha­lian, ang LUCKY 13 sa­kop ng gusali ng bagong Paleng­ke na napaka­gandang pu­wes­to katabi ng Central Terminal kaya saloobin ng mga resi­dente na posi­bleng may kina­laman si Kapitan sa naganap na sunog sa lu­mang paleng­ke.

Totoo ba ito kapitan? At dahil umano sa binitiwang salita ni Kapitan sa lugar ng sunog na “MAY NATIRA PA?” Lalong nagduda ang mga residente kay Kapitan. KAPITAN… IPALIWANAG MO ‘YAN!

Hindi na ako magtataka sa mga sabwatan ng mga lokal na opisyal ng SJDM, kung ‘yung tangke nga ng water district pinasabog na may mga buhay na nagbuwis, palengke pa? Kayo na ang mag-isip mga ‘igan!

Sabi ng mga residente, possible umanong sinunog ang palengke dahil pitong motorsiklo ang sumabog sa harapan ng gusali ng palengke! Kaya ang resulta lahat ng fish, vegetables at meat vendors ay nagkalat sa harapan ng nasunog na palengke at kanya-kanyang puwesto ang mga manininda!

***

Binabati ko ang pamunuan ng pahayagang Hataw sa kanilang masayang Christmas party! Walang umuwing luhaan… lahat ay may bitbit na regalo at busog ang mga tiyan…

Ibang klase ka PUBLISHER JERRY YAP!

Isumbong mo
kay Dragon Lady
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *